Struggles

Hi mommies! Medyo nado-down na ako within this days, si lo kasi sobrang hirap mapatulog sa gabi tapos iyak pa ng iyak. Hindi ko na alam talaga gagawin. Pinagpapasa-pasahan na namin ng husband ko pero wala talaga mas lalong nagaalboroto. Minsan may times na maaga nakakatulog sa gabi tapos mga 5am na nagigising. Pero mas matimbang yung late na nakakatulog tapos iyak pa ng iyak. Di namin alam kung may kabag or nasakit, pero siguro naghahanap lang ng antok. Any tips naman mga mommies, sobrang nai-stress at nakakadown. Minsan mga kapitbahay nagtatanong na kung napapano daw ba baby ko.. ☹️

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ilang months n po? Baby k din kc gnyan 1-2mos. Grabh iyak kht gaein mo na lahat. Pero mga 2 - 2 1/2 nawala na. Hanggang ngaun. Ndi na siya maoy. Bsta burp lng after dede.

5y trước

1 month and 10 days sis. Sobrang nai-stress talaga ako pero nakakaya naman. Mas gumgrabe talaga sya.

Usually po pag umiiyak baby either discomfort or gutom. F ncheck nyo po diaper at ok naman, check nyo po f gutom sya. After padede make sure na napaburp ng maayos.

5y trước

Thank you! Pero usually nagtotoyo na sya mga bandang 6:30 tapos wala iyak na ng iyak natatakot kami baka manigas ang panga or ewan. Super hele na nga kami eh hanggang sa nasanay na sa buhat..