Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Pagligo
Mga sis ilang araw kayo naligo na malamig simula nung nanganak kayo? Yung wala ng halong mainit na tubig
Rant
Ang hirap kapag masyadong sabik sa apo yung nanay ng partner mo. Gusto nyang mangyari itabi sa kanilang mag asawa si LO ko. Parang ang unfair naman sakin nun. Tapos kapag pinapalitan ko ng damit si baby lagi nyang inaagaw, sya na daw. Sya gumagawa lahat kay baby ako tiga bantay lang. Okay naman sakin atleast di ako napapagod kaso lang baka yun yung isumbat nya sakin pag nag kataon. Ps. Simula po kasi nung nanganak ako katabi namin sya matulog ni LO. Tas ayun nga gusto nyang mangyari ipunta na si LO si kwarto nilang mag asawa. Yan po yung pic nila. Hindi ko manlang makatabi si baby.
Pag iinom
Momsh ano mafifeel nyo kung yung asawa nyo hindi nag sabi na nag inom sila ng mga kawork nya? Lakas kasi ng kutob ko na may ginagawa syang kakaiba nung isang araw tapos kagabi ko lang nalaman na yun nga nag inom pla sila. Nadulas lang sya. Nagalit ako. Oa ba naging reaksyon ko?
Kuko
Isang linggo higit na nung nanganak ako pero ayaw pa din nila akong mag gupit ng kuko. Mabibinat daw ako. Bakit nakakabinat ang pag kukuko? Ang layo naman sa bituka. Lol. Ps. Dagdag ko na din mga ibang pamahiin dito sa side ng partner ko. *2 weeks na si baby pero ayaw pa nila ipalabas ng bahay kahit hanggang sa bakuran lang mababati daw. *bawal daw ako kumain ng adobong sitaw kasi wala pa akong isang buwan na nanganak duduguin daw ako. Ewan ko din kung bakit *pag lalagay ng lipstick sa noo ni baby. Ngayon tuloy may rashes rashes na sya sa noo. Madami pa yan di ko na sinama iba
i need your prayer mga momsh
Pag pray nyo ako mga momsh. Iaadmit na ako sa hospital. Due date ko pa sep 29 pero pumutok na panubigan ko kanina. Masyado ako nag pakampante kasi wala akong masakit na nararamdaman. Tapos nag pacheck up ako baka daw magkaron ng infection si baby kasi tumagal na daw yung leaking. Lesson learned ?
Manganganak na ba ako?
Momsh manganganak na ba ako? May lumalabas saking parang tubig. Para akong umiihi tapos pinunasan ko yung pepe ko may konting dugo ? kabuwanan ko na ngayon. Pero wala pa naman akong nararamdaman na masakit.
Assurance
Ang hirap pag hindi mo maramdaman sa partner mo yung assurance na ikaw lang. Ano ba dapat kong gawin mga momsh?
Name
Ano po mas magandang pangalan para sa baby boy? Darius Greg o Kirby Rhias? ?
Pal
Diba po may kasabihan tayo na hindi obligasyon ng anak ang magulang. Pano naman po yung anak na matanda na (45+) pero umaasa pa din sa magulang? Simulat sapol naging palamunin na lang. Ni hindi natutong tumayo sa sariling pa. Basta na lang nakaasa.
Sign
Ano ba yung mga sign na may iba/nag loloko yung partner/mister nyo? May iba kasi walang sign pero nag loloko na pla.