Weight gain
Hello po mga mommy. May gusto lang po sana akong ishare and alam ko naman na most of you po makakarelate. Tumaba po kasi ako after manganak. Feel ko naman po hindi ako masyadong lumaki pero nung sinukat ko po yung damit ko kahapon, tumaba nga po talaga ako ng sobra. Di naman po ako kumakain ng marami, sadyang tumataba lang po talaga ako. Babalik pa po ba yung dati kong katawan? Nastress lang po talaga ako kasi feel ko may nagbago sakin na hindi maganda. First time mom nga po pala ako.
you need to work on it at discipline talaga. iba iba kasi, meron kusang babalik ang katawan sa dati pero meron rin katulad ko na umabot sa 77 kilos after manganak so I strived and did all I can para bumaba timbang ko. ngayon 67 kilos na. malaki pa rin pero Thank God hindi ko hinayaan lumaki pa ako lalo 😅❤️
Đọc thêmMag pa breastfeed ka mamsh kay baby sigurado mamamayat ka nyan pero wag ka mag iistress eating wag ka rin mag ooverthink natural lang po yan ako din eh ginawa ko rin sukatin mga damit ko grabe nakakafrustrate pero di ako nag papadala think positive lng ako papayat ako bsta bantay sa pagkain 😁
kung aalagaan mo ang sarili ng tmaang kain at exercise then yes. pero kung oababayaan mo naman sarili at katawan mo, wala pong mangyayari.. help yourself. merong babae na kusang babalik sa katawan nila nung dalaga pero most women, hindi ganun. need ng hardwork.
ako naman pumayat. as in yung bigat ko nung buntis bumagsak malala. sobrang lakas ko naman kumain kasi ebf kami ni lo so mayat maya ako gutom pero parang di ako nadagdagan ng timbang. iba iba po talaga siguro.
Same mii. 57kgs before pregnancy, 65 nung nabuntis tas 52kg ngayon 3 months postpartum.
Hi mamsh, mag walking po kayo every day. Laking help din ng pagpayat ko is breastfeeding. But now pump nalang kami since nag back to work na ko. And exercise ko is walking
I think nakakapayat din kasi same as breastfeeding din. 53kls 6mons postpartum back to 27 na yung waist line ko and medium sizes na damit. From 32 to 27 waistline. Alagaan mo din sarili mo sa vitamins
ako po mommy, pumayat after 5 months back to dati ang katawan. pero now buntis ako at kabuwanan ko na 72kg ako sana magback to 50kg ako tulad ng sa first baby ko.
kung hindi ka ebf pwede kana mag diet and workout.. nasa sayo din yun you need to help yourself.. pag gusto maraming paraan. 😊
sabi sakin dinesign talaga na hinehele ang mga baby kasi nakakatulong mgpapayat sa mga mommy. so more hele ka nalang dn
same mi, hindi naman ako makapag diet kasi EBF ako hehe feeling ko kasi pag nagdiet ako madidiet din anak ko hahaha
gumagamit po ba kayo ng pills?
opo mommy