Pregnancy At Work
Hi po. Ask ko lng kung may experience na ba kayong naging grounds for termination sa work ung Sick leaves nyo po na advuse ng OB na mag bedrest po? Kasi ung akin may medical certificate naman po pero parang pinag iinitan ako ng mgr na bakit ung ibang buntis kaya naman daw pumasok araw araw. First pregnancy ko po kasi kaya ko naman po kaso sakit po talaga sa likod nakakangawit. Call center agent pa namn po ako nightshift and 8hrs nakaupo.
Bawal po yun sis. Karapatan po ng mga buntis ang mag bedrest sa trabaho kung kinakailangan, lalo na kung advised ng OB mo po. Pwede ka lang po nilang tanggalin sa trabaho kung sa pagbalik mo sa trabaho from few days oh weeks ng bedrest mo eh wala kang dalang supporting documents from OB mo. Pero kung may sapat ka namang pong documents na nagpapatunay na OB mo ang magadvise na magBR ka eh wala pong karapatan ang Company nyo na tanggalin ka sa trabaho. I'm working with BPO din po. Luckily mababait ang management namin. Naiintindihan nila ang sitwasyon ng mga katulad nating working preggy..
Đọc thêmHi mommy, hindi po dapat maging grounds for termination ang leave during pregnancy as long as may medical certificate na signed ni OB. I-DOLE nyo po kung ganyan. Sa call center din ako nagwowork at mula nung nalaman kong buntis ako, nagleave na ako until manganak. Diretso mat leave. Mula August 2018 yun mommy hanggang June 2019 pero hindi ako naterminate. I always make sure na may med cert ako every month since 30 days lang ang binibigay na leave ng OB ko. Never po ako nagkaproblem dyan. I-raise nyo sa HR muna kung ayaw nyo po sa DOLE. Pero di po kayo dapat matanggal kung may med cert kayo.
Đọc thêmHuh bat ka basta basta tatanggalin, ako nawala sa work ng mahigit 1 month kasi advise ng OB ko dahil sa subchorionic hemorrhage, di ako naterminate.. Kasi may med cert naman, no work no pay pero si SSS nagamit ko ang sick notification kaya ko may natanggap. Hindi pwede puro sa SL un.. Ung officemate ko din matagal n syang nawala naaksidente pero di parin tinatanggal ng company. No work no pay lng tlg
Đọc thêmHi sis. Sa call center din ako and bed rest din simula 8 weeks si baby til now 31 weeks na kami. Okay naman sa company namin actually sila pa nagsasabi sakin na wag ko daw pilitin kung hindi pa tlga kaya pahinga lang daw ako and nagsesend naman ako ng med cert from OB every month. No worries sis di ka nila matatanggal as long as may med cert ka wala sila magagawa. Pahinga ka lang
Đọc thêmTrue sis mas okay mag notify sakanila as early as possible para walang maging prob hehe.
Dont worry po, may law tayo na di pwede iterm ang mga preggy like us. Ako bago mag 8 mons mejo hirap na pumasok kaya halos 1 month ako naka SL kaya nag file nako ng leave. Untouchable ka sa company nyo sis dont worry. If di naman na kaya, hingi ka nalang recommendation/request sa ob mo na gusto mo mag bedrest kasi hirap ka na pumasok. Wala naman magagawa manager mo 😊
Đọc thêmNako sis, wag mo sila pansinin. Basta pag tinerminate ka, ipa dole mo kaagad! Malaking danyos sa company yon. Instant 1M ang ibabayad nila sayo nun.
Bago po ko magresign nun sa work ko nagleave din po ako nun.. hindi po nila pwede sabihin yung ganyan, kasi po mas mahalaga kalusugan at kaligtasan nyo ni baby. iba iba naman po ang pagbubuntis, pwede po kayo mgfile ng leave.. Magrequest po kayo ke OB med cert na nakalagay na Bedrest at sila din po magfit to work sainyo pag babalik na po kayo sa work. God Bless po
Đọc thêmWelcome po :) God Bless
Same tayo experience mamsh... Yan dn grounds for termination ko. Kaya ko daw di na hi hit metrics kasi lagi ako naka medical leave.. Sa isang bwan kasi halos 5 araw lang napapasukan ko per cut off. Ayon terminated ako. Probi palang kasi ako. Wala ako magawa that time. I felt helpless. Kaya nahirapan ako now. Wala ako work. 😢😢😢
Đọc thêmKaya yan mamsh! Samahan ng prayers. Thank you din❤
Kung me recommendation ng Ob mo di ka pwedeng basta2 tanggalin sa work mo pwede mo yng ilapit sa DOLE,ako nga almost 4 mos ng sl bka ideretso pa gang manganak na hinahanpn lng ng reliever kase alam nfg company nmin na against sa labor law pg pinilit akong pumasok.Iba2 nmn kse pregnancy ndi lahat kyang mgwork habng buntis.
Đọc thêmHindi naman po kasi lahat ng preggy eh pareparehas. May ibang pregnant moms na napakatibay. Yung iba naman sobrang selan. Dapat alam nila yun. Sakin nga sinabi sakin ng TL na as per our manager, wag daw ako bumalik sa office hangga't hindi ako bibigyan ng OB ko ng fit to work.
Same case saakin pero tl ko ang ganyan. Dumiretso ako sa boss at naintindihan ako pero eventually nag resign ako dahil maselan din ako magbuntis. First baby din kasi kaya nagi ingat lalo at pang gabi.
Wife x Mom ❤