Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
God is good! ❤️
Byenan
Mga momsh, kaya nyo bang malayo sainyo ang mga anak nyo dahil gusto kunin ng mga byenan nyo at ang dahilan dahil working mom kayo? Kasi hindi sa nagdadamot, di ko ata kaya na di makasama anak ko sa araw araw, sya lang inspirasyon ko pag galing work. Ano pwede kong sabihin saknila na di pwede in a way na di sila masasaktan?
Problema mag asawa
Ang mga magulang ng asawa ko nasa nueva ecija, ang mga magulang ko naman nasa metro manila. Nag tatalo kami kasi gusto ko sana sa metro manila na mag stay kesa sa probinsya, wala naman akong problema sa pakikisama sa mga magulang nya. Ang akin lang di ako sanay sa probinsya, tska ung advantages ng asawa ko as sundalo at ako bilang asawa ng sundalo nasa manila. Kasi libre kami sa mga military hospital at pgdating sa grocery less tax tlaga sa mga grocery stores ng military.. Kaya mas ok sakin kung nasa metro manila kami kasi andun lahat ng yun. Ang destino nya sa pasay, kesa mag uwian sya sa probinsya edi sa metro manila nalang., para di ganun ang pagod at di sayang ang oras para sa pamilya. Akala ng asawa ko ayaw kong tumira kasama ng magulang nya, at mas gusto ko dw na mas malapit sa mga magulang ko. Tingin nyo anong dapat kong gawin? Pano ko sya mapapaliwanagan.?
Paglilinis ng dila
1 month and 22days, pure breastfeed. Di ko alam na nililinisan pala dapat ang dila ng baby, kala ko kusa din matatanggal ung nasa dila. Ano po ang ways ng paglilinis ng dila ng baby? Tyi
Nursing Breast Pads
Ano po ang mas ok. Reusable/washable or disposable?
Sinulid sa tahi
Normal delivery po ako, 3weeks na. Yung sinulid sa tahi ko nasasalat ko, normal ba yun? Di kasi sinabi ng ob kung natutunaw ba yung sinulid na ginamit o hindi. Basta ang sabi wag ako mag wash ng mainit o maligamgam na tubig, dapat tubig gripo lang.
Stairs
Normal delivery po ako, kelan kaya ko pwede mag akyat baba sa hagdan? Tyi
Simba
Sa Janueay 19 mag 1month na po si baby, sakto sunday yun. Gusto ko na sana sya isama sa church, pwede na kaya?
Tahi - Normal Delivery
2 weeks na yung tahi ko, pero pag pinupunasan ko may parang dugo na parang yellowish, di ko magets kung ano yun.
Watery Discharge
38weeks here. May watery discharge na lumalabas sakin pa onti onti, di sya ganun kalakas pero yung tipong mbabasa talaga ang panty at shorts. Ngayon wala naman na.. Kaya nag panty liner muna ko just incase may lumabas di mababasa ang underwear ko
Stretchmarks
38weeks here. Sobrang kati ng stretchmarks ko, ayokong kamutin kasi magsusugat. Ano dapat kong gawin para ma lessen ung kati nya? Parang may mag butlig o para syang namamaga pag nangangati kahit di kamutin.