Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Wife x Mom ❤
???
May mga nakaexp po ba sa inyo na twice nagmens sa isang buwan? Normal po ba yun? First time po kasi nangyari sa akin. Nagkamens po ako ng Jan 4, normal na mens ko po yun. Tas ngayon lang meron ulet ako.
opinions pls
may pedia po ba dito? or anyone who can enlighten us regarding this post on facebook?
food
FTM here. Kelan po pwede kumain ng may lasa si baby? Nakain na po ng mga mashed na vegies si baby ko since nag 6 months sya pero wala lasa. Mag 7 months na sya sa 16.
❤❤❤
Thank you po sa mga momshie na naglalike at nagkocomment sa birthing story ko hehe. Share ko lang po, 5 months na si baby ko. Mahirap pero masaya. First time mom and I had to give up my career to be a full time mom. Pero worth it naman. I would admit there are times na naiinis ako at napapagod kasi si baby madalas mas gusto pang makipaglaro at magpabuhat kahit alas 3 na ng madaling araw. At kahit puyat at antok pa ako, kailangan ko pa din gumising ng maaga para naman asikasuhin yung asawa ko na may pasok. Pag alis ng asawa ko gigising naman si baby. So halos wala na talaga akong sleep everyday. Pag tulog naman si baby sa araw nakakatulog ako minsan pero kulang pa din kaya lagi akong nahihilo gawa din ng anemic ako. Madalas din 1pm na hindi pa ako nakakapag breakfast o nakakaihi man lang kasi di ko maiwan si baby kasi malikot na at iyak ng iyak pag binaba. Pero okay lang naman lahat ng hirap at pagod na yun kasi healthy at di nagkakasakit ang anak ko. Kaya sa mga first time mommies din na kagaya ko, kaya natin to. Pati sa manganganak pa lang. Wag po kayong matakot na macs, kung saan po kayo magiging safe ni baby, dun kayo. Laban lang ng laban. Pag pagod na, magpahinga pero wag susuko. Saka paano ka naman susuko kung ganito kabibo ang anak mo? ?❤
Help
Mga mommy, ano kaya to? Nasa tyan lang sya ni baby wala sa ibang part ng katawan saka di naman sya dumadami. 2nd day na sya na may ganyan. Last time nagkaroon sya ng pula pula sa buong katawan tapos niresetahan kami ng pedia ng antihistamine at cream na pamahid. Ok lang ba kung painumin ko sya ulet ng antihistamine? 4months na sya.
Live birth
Hello po, sa pagpaparegister po ba ng live birth ni baby kailangan talaga present si daddy ng baby? Or kahit ako lang? Married po kami. Bulacan po kasi pinanganak si baby, pero tiga Calamba kami. Eh nagwowork po asawa ko sa Cavite, graveyard yung shift nya kaya di sya makauwi pa dito para maayos namin. Need po ba talaga na present sya? Thank you po :)
Question
Mga mommies, ano po ang need na document pag nagparegister ng live birth ni baby sa munisipyo?
Breastfeed
Hi mga mamshies. Ano pong pwedeng gawin pag humina yung milk supply? 2 weeks old pa lang si bb ko tapos mixed feeding, maliit kasi nipple ko kaya di nya makuha. Medyo madami na yung milk supply ko nung isang araw kaso bigla syang humina. Nagpapump lang ako. Tuloy pa din naman pagmamalungay capsule ko saka pagkain ng masasabaw. Inooffer ko din sya sa bb ko minsan nadedede nya. Natatakot ako baka magstop yung milk sakin :(
Help!
Hi mga mamsh, ano po kaya pwede gawin para mabilis matanggal yung mga white na parang butlig sa mukha ng baby ko? Paglabas pa lang po kasi nya meron na sya nun. Sabi naman ng pedia nya normal daw yun kaso naiinis ako gusto ko mawala na hehe
help
My baby is just 9 days old and wala akong magawa kundi painumin sya ng formula kasi kahit may gatas na lumalabas sa akin, hindi nya mahuli yung nipples ko. Nagpapump ako pero 1 oz lang nakukuha ko tas pinapadede ko sa kanya. Kaya halos formula talaga nadedede nya. Sobra lakas nya dumede kaya sya lagi nagsusuka kahit pinapaburp ko naman sya. Ano po ba dapat gwin?