Ano ba talaga ang TIKTIK?
Naniniwala ba kayo sa Aswang/Tiktik ? Share ko lang kagabi bandang alasdose nakarinig ako ng kalabog sa likod ng bahay namin . Tapos nakakwentuhan ko ngayon yung katapatang bahay kong buntis din . Parehas kami na nakaranas ng dalwang beses na kalabog sa bubong . Sabi naman nung katabing bahay nya hindi rin daw makatulog kagabi dahil nakakarinig sya ng pagaspas sa bubong . Totoo bang may mga ganun pa ? Any pangontra na masheshare kung may ganun pa ?
Dito po sa amin before ganyan din. Nung may buntis ditong sabay-sabay. Laging lagabungan Ang mga bubong. Sa nagyon Po, so far Wala. Buti na Lang din Kasi Wawas Yung likod Ng bahay namin. Siguro good thing na may mga pet ako sa bahay.
Mahirap man paniwalaan pero syempre kailangan pa rin pong alerto. Ganyan din po na experience ko sabi sakin Asin at Bawang. Magbulsa lang lagi. Kahit san magpunta. Rosary na rin po tapos pinaka mabisa Dasal na rin po. 😇
May pusa lagi sa bubong namin simula nung nagbuntis ako. Tapos lagi ako nagigising ng madaling araw kasi nagaaligaga mga aso namin dahil sa mga pusa sa bubong. Nawala sila nung naglagay na ko ng bawang sa bintana. Hehe
Nung nalaman kong buntis ako around 8weeks meron lagi nakalabog or parang naglalakd sa bubong pero hnd ko na lang pinansin ayun pala pusa lang! Nasanay na ako sa awa ng Diyos madami na sila sa kisame namin hahaha
Yes meron samin dati nung dalagita plng ako, my na experience akong ganyan sis.... dasal klng kapg my naririnig kang kakaiba, lagay ka ng asin sa pinto nyo at bawang, taz my buntot pagi k sana sa loob ng bahay.
Nung isang araw my maingay s bubong namin . Sobrang takot ko tlga kasi hlos my butas butas n ung bubong namin.. Biglang tumalon lintik akyat bhay lang pala dun lng pla dumaan s bubungan haha
Totoo yan sis hahahaha ang asawa nang pinsan ko binisita hahahaha parang kapitbahay lang namin dito daw😂 atsaka bumisita ulit noong hindi pa nabibinyagan baby niya🤦🏻♀️
Ako nga gabi gabi may nakalabog sa bubong namin, sa mismong tapat ko pa. Pero di naman ako natatakot kase alam ko naman na di ako papabayaan ni Lord. Syaka nasa paniniwala ko yan
me and my hubby di naniniwala until 1day sinundan ako ng paniki, from 1st floor nkarating sya s kwarto nmin s 3rd floor at di nya ko tinigilan. buti nhampas ni hubby at nmatay.
Totoo po yan nang aamoy amoy lng yan sa buntis pero wala nmn nblitaan na nkain ng aswang db. Pero nkktkot pdin mga mamsh Gwin nyo po mg lagay kyo ng asin sa bintana ...