Aswang

Since malapit na po ang undas, share ko lang po experience ko nung 3 months palang tiyan ko. Every night napupuyat yung tita ko dahil sa mga kalabog sa bubong namin (3rd floor sila, 2nd kami) Una akala nya pusa lang pero nagulat sya nung sinabi ng kapit bahay namin na laging may malaking ibon sa taas namin. So ang ginawa ng tita ko, inabangan nya at laking gulat nya na may pakpak nga pero hindi pangkaraniwang ibon, hindi nya masyadong nakita yung itsyura pero yung tunog na narinig nya hawig daw sa tiktik. Kinabukasan kwinento nya sakin at dun palang ako umamin na buntis ako. Gulat na gulat tita ko kasi baka ako daw ang naaamoy ng aswang. Sa sobrang takot ko, lagi kaming nag lalagay ng bawang sa bubong namin. Akala ko hindi totoo yung mga aswang kasi nasa Manila kami. Buti na lang na pa bless na namin ulit yung bahay kaya tahimik na sa gabi.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

That's scary. Pero sa awa ng diyos, never ko pa na experience yan kahit mag isa lang ako sa bahay every night noon kasi nightshift si Hubby. At lumalabas din ako sometimes late at night at around 10PM at uuwi na ng 12AM kapag binibisita ako ng mga kapatid ko, lumabas kasi kami, halos kada linggo pero laking papasalamat ko wala akong naramdaman or narinig na kakaiba noong nagbuntis ako. Hindi din kasi ako naniniwala sa tiktik.

Đọc thêm