TIKTIK

Naniniwala po ba kayo sa tiktik? Mag 3days na kaseng may kumakalampag sa bubong namin natatakot na ko ? sabi inaaswang na daw ako ? -21w pregs

37 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Inaswang din po ako nung 4-5 months napo ang tiyan ko (7 months na po ako ngayon) lagi rin may kumakalampag sa bubong namin, sabi sa akin ng lola ko kapag nagigising daw ako sa hatinggabi na naiinitan then sobrang galaw ni baby, inaaswang na daw po ako non. Kaya sabi niya magtabi ako ng bawang at kalamansi sa pagtulog ko, hindi pa nga ko nakuntento, tinabi ko na rin asin sa akin e. Haha. May pusa din kasing nakapasok samin na nakita naman ng lolo ko, dumaan sa likod ng pinto namin, tas sabi ni lolo malaki daw ng konti sa normal size ng pusa. (Sorry napahaba, yun lamang po hehe)

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ako din naniniwala. Ilang beses ako sinasabihan ng parents ko na may naririnig sila pag madaling araw, malakas kasi makaramdam mga yun, konting ingay lang nagigising agad. Tsaka naexperience ko din, once, ako naman ang nakarinig. Naalimpungatan ako tapos narinig ko maingay sa bubong namin kaya ginising ko asawa ko kasi natakot ako. Haha. Wala naman masama sis kung maniniwala ka at makikinig ka lalo sa mga nakatatanda. Tsaka may kapit bahay kami patay na baby nya paglabas, inaswang daw kasi yun. Kwento lang sakin.

Đọc thêm

Ako naniniwala, based na din sa experience ng mom at lola ko. Kaya yung partner ko kahit di sila naniniwala naglagay parin siya ng mga bawang at asin sa bintana/ paligid ng bahay. And ako naman meron akong soup bowl na may asin at bawang sa ibabaw. Then kumot n gamit ko red lagi ko tinatakip sa tiyan ko. So far okay naman. Lagi ko nalang binubuksan ilaw kapag nagiging ako ng 2am. Wala naman mawawala kung maniniwala tayo. Nasa tao narin siguro yun.

Đọc thêm

naniniwala po ako. kasi nung buntis ako 3 months na yung tyan ko grabeh yung kaluskos sa bubong. hindi ako makatayo para umihi kasi natatakot ako. nagkwento din mga kapatid ko kung narinig ko daw yung kaluskos na yun. parang may sumabit na something sa sampayan kaya yung aso namen nagwawala. grabeh ang tagal nia bago umalis. 12mn to 3am yun. di ako makatulog talaga. kaya naglagay ako ng gunting sa tabi ko.

Đọc thêm

Buong pamilya ko pati byenan ko naniniwala jan lagi mong gawin mag lagay ka ng pulang tela ibalot mo sa tyan mo yun kasi naamoy daw ng aswang o tiktik yung baby. Effective yun sis lalo na sa aswang salikod ng bahay ng byenan ko bukid yun sumakit yung tyan ko parang tinutusok ng karayom nung nag lagay ako ng pulang tela ayun umokay

Đọc thêm

Naniniwala po ako jan,kc ranas ko ngaung pagbubuntis ko...Ginawaan ako ng byenan ko ng pangontra kc nga muntik na ako mkunan kng kailan 7months na ung pinagbubuntis ko...Naglalagay ako ng red na tela sa tyan ko kpg gabi then sa bintana nilagyan ng asawa ko ng tangkay ng makabuhay..Then always pray po.😊

Đọc thêm

Sa totoo lng ndi q sure kng maniniwala aq sa mga tiktik o aswang pro my naririnig dn aq 2wing gabi.. pro madalas nmn pusa ung nsa bubong.. kso sa bandang kwarto lng nmin 2matapat lagi, nvr sya pumunta sa katabing apartment nmin.. mgkakadikit lng kc ung apartment smin..

Thành viên VIP

ganyan din sakin nung preggy ako tuwing gabi laging may kumakalampag sa bubong namin. eh lumalabas pa naman ako ng gabi pag naririnig ko yun 😂 pinapagalitan ako ng asawa ko.. feeling ko naman malalandeng pusa lang yun.. di naman ako naglagay ng bawang or whatever..

Thành viên VIP

Naniniwala po kasi nung pinagbubuntis ni mama kapatid ko pinupuntahan din po sya ng tiktik. Maglagay po kayo asin tapos lagi kayo magbaon ng bawang sa bulsa. Tapos wag niyo po hayaan na mag isa lang kayo sa kwarto. Magpray din po kayo Mas okay na po nag nag iingat

Nako momshie ganyan din ako nung nagbubuntis lalo nung malapit na full term ko, sabi pusa lang daw pero nagingat na rin, naglagay ako ng bawang sa paligid tas ayun nalessen yung kaliskos sa madaling araw... Wala namang masama sa pagiingat hehe we'll never know