Mga mima ano kaya to? 38 weeks and 3 days na ko tas pag IE sakin ng doctor kanina 2cm na daw ako tapos 2 times ako nag cr pag tapos ko i EI wala naman mga lumabas sakin o kulay kulay sa panty ko. Tas pag uwi ko sa bahay pag ihi ko may brown discharge na sa panty ko ano kaya to mga mima?#advicemommies #pleasehelp #advicepls
Đọc thêmHi mga mima ko dyan ano bang mas effective na evening primrose yung iniinom ba o yung pinapasok. Late na kase ko naresetahan nun 38 weeks and 3 days na ko ngayon palang akong pinapabili although 2 baby ko na to nung una kase yung pinapasok ang nireseta sakin ngayon naman yubg iniinom. Salamat sa mga sasagot mga mima ko.#advicemommies #pleasehelp #advicepls
Đọc thêmHello mga mommy gusto ko lang mag vent out, Di ko kase alam kong postpatrum ba to o kaartihan ko lang. 😅 I am a FTM and i gave birth last dec. 2020 via normal del. Nung una akala ko pagbubuntis lang yung mahirap kase sobrang daming bawal, kailangan ingat na ingat ka (btw i had a miscarrge last 2019) kaya parang praning praning ako nung nabuntis ako ulit kase baka maulit yung past. Then mas mahirap at masakit pala maglabor at manganak, sobrang hirap ng pinagdaanan ko nung naglalabor ako (induce labor ako kase naunang pumutok panubigan ko then no sign of labor), naglalabor ako ng nakahiga lang bawal kase umupo o tumayo kase baka maubusan ng tubig si baby sa loob. Di ko alam gagawin ko twing nahilab tyan ko parang gusto ko nalang magpaCS kase 2am pumutok panubigan ko tapos mga 3pm di pa ko nanganganak so sabi ni OB pag 5pm wala pa ding pagbabago sa cm ko ( stock ako sa 4-5cm) iccs nya na daw ako, pero by God's grace nadagdagan cm ko ng 6pm. And finally by 8:50pm baby's out na. Mas mahirap pala yung pagkalabas ni baby. Sabado ako nanganak linggo ng hapon umuwi na kami. Yung first week ni baby pabalik balik kami sa pedia para lang turukan sya ng antibiotics kase prone daw sa mga sakit si baby kase 18hrs simula nung pumutok panubigan ko bago sya lumabas. Umaga at hapon ang balik namin para maturukan si baby may tahi pa ko sobrang sakit pero tiniis ko yun para maging ok lang si baby. First time mommy ako di ako ready sa puyatan na almost 3 hrs lang ang tulog ko umaga at gabi na yun. Naaaligaga ako pag naiyak si baby di ko alam kong ano yung gusto nya kung may masakit ba sa kanya, yung asawa ko di ko din maiwanan kay baby kase di rin sya marunong magpatahan pag umiyak na si baby. Kasama ko naman ang parents ko kaso mga senior na sila kaya di na din sila masyado makakapag alaga, yung parents ng asawa ko gusto nila na alagaan si baby kaso malayo sila. Pag gabi na sobrang iyak ng iyak si baby naiyak na din ako kase nakikita ko yung asawa ko tulog na tulog tapos ako pagod na pagod sa maghapon na pag aalaga wala pang tulog tapos si baby di ko pa alam gagawin ko para mapatahan at mapatulog lang sya. Pero ang mind set ko sa una lang to pag medyo malaki na si baby magiging ok na din naman lahat. Hays buti nalang nangiti ngiti na si baby atleast pag nakikita ko yun nababawasan yung pagod at puyat ko. Salamat po sa pagbabasa 😊 God bless mga mommy kaya natin to ❤ #firstbaby #momcommunity #1stimemom
Đọc thêm