Ano ba talaga ang TIKTIK?

Naniniwala ba kayo sa Aswang/Tiktik ? Share ko lang kagabi bandang alasdose nakarinig ako ng kalabog sa likod ng bahay namin . Tapos nakakwentuhan ko ngayon yung katapatang bahay kong buntis din . Parehas kami na nakaranas ng dalwang beses na kalabog sa bubong . Sabi naman nung katabing bahay nya hindi rin daw makatulog kagabi dahil nakakarinig sya ng pagaspas sa bubong . Totoo bang may mga ganun pa ? Any pangontra na masheshare kung may ganun pa ?

79 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Wala ako naeexperience 7 months preggy ako. And di rin ako naniniwala sa aswang or tiktik. 😅 so far ok ang pregnancy ko and happy kasi di ako nahihirapan. 😊

sa aswang kasi nung buntis ako inaswang ako hahah katakot kasi ang lakas nung kalmot sa may pintuan namin alas dose hanggang alas tres ng madaling araw hahaha

Ako . Hinde sis ! Nauwe pa ko ng probinsiya nun naglalakad pa ko ng gabe sa bukid di naman ako natatakot . Pag iniisip mo kase lalo ka lang maprapraning.

Kashokot mga momsh , nagtali ako ng bawang sa damit ko kagabi . Umokay naman sya kaso ang aga ko nagising 😅 Nakakatulig mag isip ng tiktik na yan 😂

Suot ka po ng black shirt. At lagay ka din ng bawang at asin sa bintana. Nakaexperience po ako nyan. Buti ngayun at wala ng paramdam😂

Yes meron. May binigay nga sakin si lola ko na oil na pangontra sa mga ganyan then before sleeping mag pra-pray talaga ako kay God😇

Ako nung nalaman ni mama na buntis ako naglagay siya ng bawang tsaka asin sa lalagyanan ng iced candy. Tig isa po yung bintana.

Wala naman masamang maniwala hahhaha! Ilang beses nangyare sakin yun! Chaka bawal ka mag isa sa bahay ang pagkakaalam ko.

5y trước

Hala totoo po ba?

Pag mga taga manila d sila naniniwala sa ganyan pero sa province totoo yan and naexperience ko tlga sya sa 2nd baby ko.

5y trước

Totoo!

Thành viên VIP

asin sa bintana nilalagyan ko or bawang or tatlong tingting. bilin ni hubby nong buntis ako sinusunod ko na lang