Toxic Relationship

Nahihirapan na ako mga mommy. Naging mas moody ako ako ngayong buntis ako. Lagi kami nag aaway ng partner ko kasi ang hirap ko daw ideal. Ang hirap ko daw pakainin. Minsan kasi wala talaga akong gana kumain. Naiinis sya sakin sabi ko pwede naman sya umuwi sa kanila. Kaya ko naman sarili ko. Iniisip ko rin paano na kasi di na ako makakapag work tapos student lang sya. Allowance nya di naman sasapat kaya madalas malungkot ako wala sa mood kasi nag iisip kung ano gagawin. Kung palagi daw ako ganto itigil ko na lang daw yung bata. Pagod na pagod na daw sya sakin. Naiiyak ako kada sinasabi nya yun. Madalas sa gabi umiiyak ako ng palihim kasi gusto ko ng partner sana na kahit napaka moody ko di ako pagsasalitaan ng masakit.

8 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Normal lang sa buntis maging moody dahil sa hormones dinadahilan nya lang pagiging moody mo dahil ayaw pa nya sa responsibilidad the word na “itigil ang bata” ano yan laro na kapag ayaw mona pwedeng mag quit? 🙄 sad to say mi malas mo sakanya kapa magkakaanak halatang hindi pa talaga handa magpaka tatay at asawa sainyo. Ako sobrang swerte ko sa mister ko simula mag bf/gf palang kami hanggang sa nag live in at ngayon buntis ako magkakaanak na kami ganun parin ugali nya hindi nagbago. Sobrang haba ng pasensya at sobrang maalaga kahit minsan hindi p kami nag away ng malala hehe tapos ngayon buntis ako kakasabi ko lang may gusto ako bibilhin agad kahit umulan bumagyo payan.

Đọc thêm

Mahigpit na yakap para sayo Mommy. Dumistansya po muna kayo sa partner nyo. As much as possible po dapat di mastress ang buntis kasi may effect po yan sa baby nyo. Dapat po Sana ay i-consider nya na kaya po kayo ganyan ay dahil buntis po kayo. Dapat intindihin ka nya at alagaan kasi may dinadala ka at baby nya din naman Yun. Nakuha nya inis ko sa totoo Lang Lalo na sa part na gusto nyang itigil na lang ang pagbubuntis mo. Malaking red flag sa totoo lang. Manalangin po kayo na bigyan kayo ng lakas ng loob para makayanan ang pinagdadaanan nyo ngayon. Hanap po kayo ng support system na aalalayan ka sa journey mong ito.

Đọc thêm

natural yang gnyang mood sa mga nagbubuntis ang hindi normal ay ung attitude nyang partner mo. halatang immature at dika ganon kamahal. or dika tlga mahal. imbes na sya ung unang susuporta magaalaga at iintindi sayo eh kabaligtaran.. kung magjowa palng kayo gnyan na sya, pano pa kung mag asawa na kyo? and sana mhie wag mong masamain ha, sana dika muna ngpabuntis sa knya dhil estudyante palang sya. kse wala tlga yng mppangsusuporta sayo at sa baby nyo.

Đọc thêm
7mo trước

Inaalagaan naman nya ako mhi kahit papano yun nga lang may anger issues sya so kapag wala ako sa mood kumain nagagalit sya gang kung ano ano na masasabi nya.

alam mo sis ang mga lalaki ngayon short tempered.hindi mawawala ang ganyan lalo kung nasa stage ka ng paglilihi.pero iwasan mo sana ang ma-stressed kc nakakasama sa baby yan.makinig ka ng mga classical music and worship song para marelax ka at si baby lalo na kung dinadaanan ka ng pagkamoody mo.magpray ka rin na sana maunawaan ka ng partner mo or sana humaba pa ang pasensya

Đọc thêm
Influencer của TAP

blessing in disguise na di pa kayo kasal, makawala ka na sa lalaking ganyan ka itrato. God will provide mi, di sya kawalan sa inyong mag-ina. Obvious naman wala sya pake sa bata kaya i-let go mo na sya dahil stress lang sya sa pagbubuntis mo. Pwede ka sa center magpacheckup para kahit pano ay makabawas sa gastusin.

Đọc thêm

normal mi sa buntis may mood swings baka hindi lang din kayo nagkakaintindihan..minsan kasi sa lalake hirap silang sabayan ang emosyon ng buntis..mag-usap kayo patungkol sa mga nararamdaman mo pati sa mga naiisip mo at ganon din sa kanya para alam niyo paano ideal ang sitwasyon ninyong dalawa..

Influencer của TAP

halatang hindi pa handa sa responsibilidad partner mo. kung mood mo pa lang di nya kaya i-handle, lalo na finances, ano pa kaya nyang i-offer? dagdag sama ng loob lang.

normal po Ang pagkamoody at maselan sa pagkain ng buntis Ang Hindi po normal ay Yung ugali ng partner mo mii parang di manlang siya nakakarinig ng mga tungkol sa buntis..

7mo trước

Ang alam nya lang po bumili ng food na magiging healthy daw yung bata pero ang sakit lang na pag nabwisit sya sakin yun yung sinasabi nya