1st time mom kaya mga mommy pa help naman po
Meron po kasi akong impeksyon sa ihi ginamot ko naman po ng 1week by reseta ng doc. Ko ngayon chineck po ulit yung urine ko mas lumala daw po yung impeksyon ko sa ihi at parang hindi daw nagamot. Ask ko lang ano po need gawin para mawala or mas hindi lumala pa yung impeksyon ko sa ihi? Na woworry po kasi ako baka madamay ang baby ko sa tummy ko? Thanks po sa sagot
Reresetahan ka po mas mtaas na antibiotic .. and pls tulungan mo yung gamot. Wag kang kumain ng mga maaalat. Kht sa anong pgkain no salt dapat. LAHAT. Esp sa ulam .. tiisin mo walang lasa ang pagkain. Wag kdin mg softdrinks at mga artificial na inumin. Tubig lang ang inumin mo. Kc mejo confusing ung uti mo. Lumala lalo? Anu pong antibiotic iniinom nyo?
Đọc thêmUmiwas sa mga soft drinks, junkfood, lahat ng maalat iwasan. Wag mag pigil ng ihi. Wash every mag ihi ka then punasan ng tissue.. Drink more water. Kahit d naiihi make sure to go to Toilet para umihi every 30mins.. Buko juice din inum ka..
Ako po ginawa ko lang 1week purong sabaw ng buko kada umaga tas puro tubig then nag pa urinalysis ulit ako nung 24 normal na result. Ung co-amox na nireseta sakin 4 tabs lang ininom ko natakot kasi ko baka mka apekto sa baby 38weeks nko
Naku dimo kinumpleto yung antibiotic na pang 7days? Delikado yun a. Kase mataas ang chance n dikana tablan ng antibiotics sa susunod na kailanganin mong uminom ulit. Dapat sinunod mo kase talagang automatic 7days ang pag inom ng antibiotics sabi ng doctor.
Ganyan din po ako mommy, yung sabi ng OB ko try ko more water 2.5-3L talaga yung sabi nya. Ginawa ko sya for one week. Then nagpa urinalysis ulit ako, awa ng Diyos nag normal na lahat.
Hanggang kelan po? Hanggang mawala po yung impeksyon ko sa ihi? Marami po kasi nagsasabi na need parin daw po mag sex para hindi mahirapan manganak or yung sipitsipitan.
Sinunod mo po ang prescription at ilang beses dapat inumin? Nagkaroon rin aq ng UTI pero gumaling nmn after 7 days. More water intake. Avoid salty foods, soft drinks
Opo sinunod ko naman po 1week na gamutan lang po binigay sakin kaso mas lumala po ngayon. Kaya ipapa urine culture po ako ng doc. Ko
More water po, then cranberry juice na no/low sugar.. Make sure din po sa next urinalysis nyo po, ang saluhin nyo po eh panggitnang ihi nyo po
Ah okay sige po
more water po,tapos yakult or yogurt every day...kc marami po siyang good bacteria,kahit papano makatulong.🙂
Ah ganun po ba. Sige po salamat☺
lemon grass sa tagalog tanglad ilaga mo tas inumin mo gamot sa uti yun pwde sa buntis
Ah sige po salamat☺
Water therapy po,then wag muna kau mag make love ni mister , tapos mild soap po,or feminine wash
Hygiene sis..then bawal ung chips soft drinks
Water theraphy ka lng beh mawawala din yan.st syempre iwas sa mga nkka uti n food
Sige po☺
Hoping for a child