Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Preggers
5 weeks LO
Sino po sa inyo na parang hindi tumataba si baby kahit 5 weeks na sya. EBF po ko. Feeling ko tuloy hindi sapat ang gatas ko.
bloody show
May bloody show na po ko since 5:30am hanggang ngayon pong 7pm, may blood pa rin tapos discomfort lang po at mabigat ang pelvic,wala pong pain or hilab. Para lang yung feeling na meron ka . Nagpunta na po ko sa er this noon, sabi 1-2 cm pa daw at mataas pa si baby kaya pinauwi na muna ko. Balik daw ako pag active labor na ko. Ganu po katagal kayo nagbloody show bago kayo nagactive labor?thank you
Sharing Is Caring
Hi mga mommies and soon to be mommies.. Sino po dito ang lalong naging maselan habang tumatagal ang pagbubuntis. Like sa akin bed rest ako since 8 weeks because of subchorionic hemorrhage. then at 18 weeks, low lying placenta naman, nagbrown spotting ako then mga twice na naadmit. Nung last admission which was on my 28 weeks, red spotting na, good news is 4.4 cm away na placenta ko pero nag preterm labor naman ako at 1cm na. Now at my 30 weeks nag red spot na naman ako, emergency ulit pero tumanggi na ko magpaadmit, i'll just make sure na lang na mag bed rest na lang sa bahay. Nakakapanghina ng loob pero kakayanin para kay baby, minsan mapapatanong ka na lang ano ba yung kulang pa, pero I know God has a better plan. Sabi nga di tayo bibigyan ng Lord ng mga pagsubok na hindi natin kaya. Basta andyan ang trust and faith kay Lord. Magiging worth it ang lahat nang ito in God's time pag nakalabas na si baby. Tanging grace and love lang ng Lord ang magpapakalma sa atin. Please share your struggles and how you deal with it para mapalakas natin ang isa't isa .
Tender Love Baby Wipes
maganda and safe po ba ang tender love wipes kay baby and sa atin? Sale po kasi sa shopee ngayon, nagiisip all kung iggrab ko ba. Tia
1cm At 28 Weeks
Sino po dito nag 1cm at 28 weeks pero nagclose naman po ang cervix or kahit di na nagclose pero hindi na po nagprogress at nakaabot ng full term po? Thanks po sa mga sasagot.
Steroids
Question po, sana maapprove. Sino po around cavite area dito, then nagpainject po ng steroids sa emergency. As in inject lang, sa akin na gamot, how much po kaya yung bayad? Tia
Brown Discharge, Low Lying Placenta
Hi! 24 weeks po ko and may low lying placenta. Ask ko lang po sana yung same case ko na nagbbrown discharge. Nung sunday po kasi may brown discharge po ko pagpahid ko ng tissue, mga twice po na ganun. Then uminom po ko ng duvadilan, may nakaready po kasi na reseta, in case na need ko talaga umalis ng bahay kasi po bed rest talaga ako . Then wala na sya nung monday, tapos kagabi saka kanina po, meron sa panty ko Though di naman marami. Ang tanong ko po sa mga same case ko, nagpupunta po kayo agad sa ob nyo or pahinga nyo lang po then observe tapos saka pupunta sa ob pag di pa rin nawala ng ilang days? Nawa po may makapansin.
Mosquito Repellent
Hi po. Ano po ang safe and effective na insect repellent na pwede sa pregnant, yung tried and tested na po. TIA
Ano po ang safe effective na mosquito repellent na safe for pregnant women, yung tried and tested nyo na po. TIA
Light Brown Discharge
17 weeks preggy Kanina po kasi pagihi ko ng umaga may light brown discharge pag punas ko ng tissue and sa bowl din parang may sipon din na light brown discharge. Sino po naka experience nito? Plan ko na magpads muna para macheck if persistent pa rin, magpacheck up ako tomorrow.