Mary Grace Cua profile icon
Kim cươngKim cương

Mary Grace Cua, Philippines

VIP MemberContributor

Giới thiệu Mary Grace Cua

Mummy of 1 superhero son

Bài đăng(13)
Trả lời(219)
Bài viết(0)

Language Switch

I need advice pano sabihin sa biyenan ko na tigilan ang kaka-english at pagiging pala-desisyon sa anak ko. Alam ko sasabihin niyo sabihin ko ng mahinahon. Exact dialogue po sana need ko kasi obviously, hindi naman pwedeng pasigaw ko sabihin sa kanya. And na-try ko na po siya kausapin ng kalmado about it pero di siya nakikinig. Yung biyenan ko kasi gusto daw niya igaya sa friend niyang Japanese yung anak ko which is apo niya. That friend of hers do language switch. Yun bang kahit nasa isang room kayo, pag lumingon siya sa isang tao, iba language niya tas paglingon sa kabila iba na naman tas palit na naman based sa kausap tas balik sa mother tongue pag nasa bahay lang. She never consulted me about this. Basta na lang siya nagdesisyon ng kanya. Kung di ko pa narinig conversation niya with her bestfriend di ko malalaman na ganto gusto niya mangyari sa anak ko. I am against English speaking sa bahay. Madali lang matutunan ang english habang lumalaki ang bata. At isa pa, hindi English ang gusto kong secondary language ng anak ko. Gusto ko siya i-enroll sa foreign language class either Korean/Mandarin when he gets older enough to absorb such lessons. Sa ngayon ayoko siya i-pressure sa Language Switch na ipinipilit ng biyenan ko. Gusto niya pag natuto na daw magsalita anak ko, automatic daw straight english pag siya kausap tas automati straight tagalog pagharap saming mga magulang. At home, out of 6 which consists: * Pinsan - English Speaking di nakakaintindi ng tagalog * Hubby - Tagalog pero minsan lang kausap kasi lagi busy sa work * Tito - 90/10 english din kasi english speaking anak niya * Biyenan - English Speaking pag kaharap anak ko * Bestfriend ni Biyenan - English din as per biyenan's instruction * Me - Tagalog Ang lagi lang halos niya kausap eh ako, si pinsan at si biyenan. Saming tatlo ako lang ang tagalog, tingin niyo ano mas matutunan ng anak ko. Ngayon 1 year old na anak ko, nakatulala lang tuloy siya pag kinakausap ko. Nako-confuse ata kasi may times din na nag-uusap kami mag-ina tas biglang singit tong biyenan ko na english ng english. #LanguageSwitch #BiyenanProblems

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi