Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
shaun hiroki's mom
rashes ni baby, na may halong red spots
may same case po ba nangyari sa baby niyo na timubuan ng ganito? ano po kayang possible reason o pwedeng iapply para mawala. ty po
STUFFY NOSE
hello guys, nag change na kami ng pedia pero ang sabe sakin wala daw sipon ang anak ko kahit palaging barado. ang sabe ng doctor samin dumi lang daw yun at palagi lang daw linisin ng salinase, ginagawa ko naman palagi yun sakaniya kaya palaging malinis nose niya. pero pag umaga hanggang hapon barado talaga, hindi naniniwala yung bago niyang pedia na baka allergy or allergy rhinitis kase masiyado pa daw bata anak ko, he's 2 months and 26 days. and almost 2 months na rin na barado ilong niya. normal naman lahat sakaniya, at yung dating pedia niya na puro antibiotic para sa sipon niya kuno kaya pala hindi gumagaling dahil wala naman daw sipon ang anak ko. dumi lang daw iyon since baby pa daw po siya. tama po ba yung bagong pedia ng anak ko? o dapat pa kong lumipat ulit ng pedia? kase daw po kapag may sipon ang baby dapat may ubo rin daw po at nilalagnat ayun daw po yung basehan kung may sakit o meron talagang sipon si baby. eh wala naman pong ubo ang anak ko at never pong nilagnat. Salamat po sa sasagot
May alagang pusa
Hello po, may mommy din po ba dito na may cats? Matagal din bang mawala sipon ng baby niyo? Baby ko kase possible na dahil sa balahibo kaya hindi gumagaling ang sipon niya. Pwede kaya siya magka asthma kapag ganun? Sa wed or thurs pa kase kami magcchange ng pedia niya para maliwanagan napo ako naaawa nako sa anak ko naka anim na antibiotics na siya in 2 months and 10 days pero wala pa ring nangyayari 🙁 lahat ng nagcocomment sa post ko ginawa kona po mga advice niyo pero wala pa rin po. Nag air humidifier and air purifier napo ako wala pa rin nangyayari.
Paano malalaman kung may sinus si baby?
Hello po, paano po malalaman kung may sinus si baby? Napakatagal na kase ng sipon niya hindi ko rin alam kung sipon pa ba o dumi nasa ilong niya. Btw may sinus kase ang tatay niya possible ba na mamana ni baby yun? At malalaman ba ng pedia ng baby ko kung may sinus siya? O need ipa laboratory o iadmit para malaman. Naaawa napo kase ako sa anak ko. Salamat po sa sasagot.
PALAGING NABIBILAUKAN SI BABY
Ano kayang magandang position para maiwasan mabilaukan si baby, breastfeeding po ako. Elevate lagi position ko sa pagdede nag try akong mag side lying nabibilaukan pa rin siya hays.
0.75 in drops is consider as 0.8?
Hello mga mie, tama ba na 0.75 ang 0.8 ayun kase ang sabe ng pedia niya hindi ko naman alam na wala palang 0.8 dito kaya hanggang 0.75 lang pinainom ko sa baby ko. Salamat sa sasagot
Sipon ni baby na almost a month
Hello mga mhie, may naka experience rin ba dito na matagal mawala yung sipon ng baby niyo? Weekly ko soya pinapa check up sa pedia niya pero hindi tumatalab yung mga nirereseta sakaniya. I always try salinase and nasal aspirator but wala namang sipon, ano kayang pwedeng home remedy para mawala yung barado ng ilong niya? 1 month and 18 days palang siya and yung sipon niya 1 month and 3 days na. Btw may alaga kaming aso at pusa kaya hindi rin ako magtataka kung bakit may sipon siya, pero nagwoworry nako sobrang tagal na kase. Sana may mag advice sakin dito kung anong pwedeng gawin yung effective 🥺 tia.
Umbilical granuloma
Hello po, kusa po bang natatanggal yung umbilical granuloma o natutuyo or liliit lang? Thank you po sa sasagot.
Pinagtanggalan ng umbilical cord
Hello po, may naka experience na rin ba sa baby niyo nito? Na lumabas yung pinag putulan ng umbilical cord ni baby. Nung sabado kase pumunta kami sa pedia niya at ito ang concern ko sa 3days niyang tuloy tuloy na pag iyak lumabas yan naaawa ako kase kapag daw humaba pa toh susunugin daw. Tanong kolang din kung effective yung ointment na pamahid dito for 7days? Sana may makasagot naaawa kase ako just in case na sunugin for sure masakit yun.
Growth Spurt
Consider po ba na growth spurt sa 1 month old baby yung 7hrs gising tapos puro dede lang tapos iyak?? 🥺