Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mumsy of 1 sunny junior
39w 4d 2cm Open Cervix
Mga mamsh. Enlighten me please. Nakaka stressed daming pumapasok sa isip ko. Kahapon, friday Dec 20 nagpacheck up ako sa OB for follow up check up sa ospital. Pila palagi yun sa umaga mga out patient tapos inabot pa kami ng tanghali kasi late dating nung doctor. Since kabuwanan ko na nga, ena-IE nako ng Ob ko. 2cm na daw ako at nirecommend na din ako bumalik daw ako ng gabi para magpa IE ulit sa ER at niresetahan na din ako ng eveprim. Pagka uwi namin bumalik ulit kami nga 7pm sa ospital. Bago pako iIE may lumabas na sakin na sipon na may konting dugo. Pero still mo pain. Edi nag decide kami na pumunta na nga ng ospital at pag ie sakin 2cm pa din daw. Pinauwi muna kami. Tapos mga madaling, meron ulit lumabas na sipon sipon mas dumami ng konti. Continues pa din pag inom ko ng eveprim kasi 3x a day nireseta sakin. Hanggang ngayon wala pa ding pain o sign ng labor pero mas naging thick at madami yung sipon na lumabas sakin at walang namang dugo. Iminom na din ako ng pure pineapple del monte juice. Tapos kumakain na din naman ako ng pineapple fruit. Any advice mamsh. Normal lang ba yung ganito? Please sana may sumagot. Godbless us all.
Team Dec 24
Sino po dito ang Edd nila December 24. Huhuhu 38 weeks and 2 days na po akong buntis ngayon. Sobrang hirap n hirap nako kumilos. Ultimo pag tatayo ka lang parang naiiwan na balakang ko sa upuan or kapag hihiga hirap nako makaginhawa. Tuwing sisiksik sya sa puson ko nako po parang ayoko na huminga at baka pumutok na panubigan ko sa sakit. Kinakausap ko si baby palagi sana wag nya pahihirapan si mama. Excited at kabado nako. Sana. Makaraos na din. Good luck satin mga kananay ?
Excited 36 Weeks Pregnant
Hi mga mamsh. Gusto ko lang din malaman kung mapapaaga kaya ako manganak kesa sa due date ko, may early signs of labour na din specially white discharge. At mas madalas na din ang braxton hicks. Yung paninigas lalo na sa pinaka pantog ko. Feeling ko nga minsan parang puputok na. Normal lang naman daw ang discharge pero mas dumadami. Dec 24 po due date ko. Thank you ?
December 24 EDD
Magtatanong lang po sana. 35 weeks na po ako ngayon. May white discharge na po sakin na lumalabas. Tas nakita ko may konting sipon pero sobrang konti lang at madalang palang pero yung white milky discharge na walang amoy watery sya yun pag tumitigas tyan ko yung parang pinipilit na ni baby lumabas after nun lumalabas din white discharge. Signs na po ba yon ng early signs of labour? Ty po
33 Weeks Pregnant
Tanong lang po. Low lying po kasi si baby pero naka pwesto na po sya. Nakita na low lying sya 6 months palang po kaya medyo di ako pwede mag lakad ng malalayo. Advantage kaya yung low lying si baby lalo na kung malapit na po ako manganak. At required pa din ba na maglakad lakad ako? Ang hirap na kasi kumilos ang bigat na nya tapos sumisipa na talaga sya sa pelvic ko. Kaya hirap ako maglalalakad.