Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hoping for a child
Hilot naniniwala po ba kayo
Hello mga mommy, sino po dito naniniwala sa hilot para mabuntis? Effective po ba yun sainyo? Nagpahilot po ako nakaka 1 gabi pa lang naman po 3 gabi daw ako hihilutin wala pa ako sinasabi sa manghihilot kagabi nakapa nya kagad na napakababa daw ng matres ko niraspa po kasi ako nung April 25 Anembryonic pregnancy po kasi ako or bugok na pagbubuntis di ako dinugo kaya kinailangan ako raspahin sabi nung manghihilot hintayin namin maka 3months ako simula nung naraspa bago hilutin naniniwala din po ba kayo sa hilot o taas ng matres? Salamat po sa mga sasagot.
Pahelp po baka may naka experience
July 13 to July 15-16 nagkaperiod po ako. Then medyo nagtaka lang ako since normally na mens ko ay almost 1week. Then Ilang araw na din nasakit likod ko pinagwalang bahala ko lang since gabi na ko lagi maligo baka kako dahil lang din don. Kaya lang kagabi iba yun sakit sabay sabay sila puson, balakang, likod tapos nagchichill ako na parang lalagnatin din kasi mabigat katawan ko. Too early pa if mag pt ako kaya inoobserbahan ko muna SARILI ko. Paggising ko now nahihilo ako. Sa mga nakaexperience po ng ganito early pregnancy sign po kaya ito mga mi? Thank you in advance po baka lang po may naka experience.
Spotting or regla talaga?
July 19 po expected date na rereglahin ako. July 13 pa lang po may regla na ko usually po 7days tumatagal regla ko. Now po halos 3days lang. Ano po kaya ibig sabihin? Almost 6days advance po regla ko tapos biglang hina sana po matulungan nyo po ko. Salamat.
Umaabot po ba ng 8days ang regla?
Normal pa po ba na umabot ng 8days ang regla? June 19 po ako nagkaron at hanggang ngayon po ay may lumalabas pa din sa akin na ikinababahala ko na. April 25 po nung naraspa ako at dalawang buwan ko na din po na napapansin ang paghaba ng regla ko normal lanh po ba ito? Naranasan nyo na po ba ito? Sana po may makatulong sa akin bukas po ay magpapacheck up na ako sa OB ko. Salamat po.
Gaano kahaba po ba regla nyo?
Normal po ba na humaba ang cycle ng regla? Pang 8days ko na po kasi at kinakabahan na ako kasi bakit ganito kahaba regla ko. Niraspa po kasi ako 2months from now. Simula niraspa ako napansin ko ang haba ng cycle ko pero normally nung di pa ko niraraspa 5days lang tinatagal ng period ko. Bakit ngayon 8days na may dugo pa din ako. Sana po matulungan nyo ko. Pupunta na po ako sa OB ko tom kasi baka di na to normal.
EFFECTIVE PO BA ANG OVULATION TEST KIT
Ask lang po effective din po ba ang OVULATION test kit? Sino po dito mga nakapagtry na? Thank you po.
Maagang regla bago ang expected Date
Tanong lang po mga mommy niraspa po kasi ako nung April 25, 2023 6weeks po dahil anembryonic pregnancy po ako first baby po sana namin. May 23, 2023 nagkaron po ako. Then nagdownload po ako ng calendar app sinunod po namin sya kasi baka makatulong para monitor ko din fertile ako at ovulation ko. Then eto na nga po regular cycle po kasi ever since di pa ko nararaspa. May 23 po first day ko nun so advance po kasi ako lagi ng 3days. Kaya expected ko po is June 20 ako magkakaron kaso too early po kasi June 19 pa lang po ng evening mga 6pm may spot na ako. Regla na po kaya ito?
Ask lang po if effective yung calendar app? Nabuntis din po ba kayo dun praying for rainbow baby po
#RainbowBaby