Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Preggers
Normal?
Normal lang po kaya itong kay lo ko? Kahapon po kase 4 na beses po siyang nag poop. Pero normal naman po diba pag dilaw yung poop niya, wala din po siyang lagnat normal lang po kaya ito?
Pregnant?
Hi po mga mamsh ask kolang possible po ba makabuo ulit kahit na kakaanak lang po? Tapos pure breastfeed ako? Hindi pa kase ulit ako dinadatnan worried lang po ako
Normal???
Normal poba yung ganto sa mga baby? Nawawala rin poba ito paglaki?
just asking
Possible poba mangyari yung nanganak po thru cs session ay rereglahin? Tapos po ay hindi napo ulig dadatnan. Btw breastfeed mom po ako
Sipon?
Hi po mga mumsh. Ask ko lang po paano po malalaman kung may sipon po si baby? Hindi kopo kase siya madala sa pedia kase po lockdown po ang batangas wala po yung pedia niya. May naririnig po kase akong parang halak, tapos po wala naman po na tumutulo or lumalabas sa ilong niya, pero 2 beses or minsan 3 beses siyang bumahing. Ino obserbahan ko naman siya since may naririnig akong ganong tunog okie naman siya hindi siya naiyak at okie naman po yung paghinga niya. Dapat napo ba ako makampante non? Thankyou po sa sasagot
Pahelp nman po mga mumsh ?
Medjo lito po kase ako hanggang ngayon kung kelan ako manganganak. ? Ganto po kase iyan last sept. 10 nagpa check up po ako sa dati kong OBY. Tas po lumabas po sa result na buntis daw po ako nung una kase di ako naniniwala kase aug. And sept. Nag pt ako parehas negative so sabi nang OBY. Ko ipapa req. Kita ng trans v. So ayon nga po sept. 30 2019 nagpa trans v nga po ako at ayan po yung result nang trans v ko 15 weeks and 3 day nga po akong preggy, tapos po dinownload ko nga po itong app. nato kase wala pa nga pong nakaka alam na buntis ako syempre po wala akong mapagtanungan yung mga nararamdaman ko diko matanong sa parents and relatives ko kase nga po sobrang magagalit sila hanggang 6months po naitago kopo yon. Hininto kona rin po yung pagpapa check up kopo sa OBY ko ang check up kona lang po talaga ay yung health center po namin dto sa brgy. namin ayon nalang po yung napupuntahan ko sa grabe ko nga pong magtago sa family ko. Fastforward po Eto po yung kinalilituhan ko mga mumsh sabi po don sa ultra sound ko ang EDD. ko daw po ay MARCH 20 2020, Tapos po ang sabi naman po nung nurse sa brgy namin is 7 mos. Padaw po ang tiyan ko? Pero nakita niya nanaman po itong ultrasound ko dati bale binilang niya panga po eh. Last po na period ko is june po. Salamat po sa sasagot mga mumsh.
7 months
Bawal n poba uminom ng malalamig na tubig pag 7 mos. Na po?
Ultrasound
Tatanong kolang po bat po dalawa yung bukol dto? Ang sabi po kase nung nag ultrasound sakin yung bandang kaliwa po egg daw po ni baby which is boy daw po pero may isa papo akong nakikitang egg eh. Salamat po
Philhealth issue po.
Hi mga momshie. Tatanong kolang po kung pwede yung husband ko ang may philhealt pero po dipa kame kasal pwede po kaya yon? Tapos po pang 6months lang po yung binayadan niya magagamit kona po kaya yon? At last na tanong kona po hehe uhmmn pag poba sa public hospital nanganak mahal poba? Magkano po nung nanganak kayo? Survey lang po hehe salamat po
Ask kolang po ulit
Mga momies nakakaranas rin poba kayo nung something fishy sa undies nyo? Or parang may malagkit na lumalabas normal poba yon? Itatanong kolang kase meron po akong always naaamoy pwede rin poba gumamit ng lactacyd para sa akin kahit buntis po ako?