Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
mommy of Aeily ❣️
Nahulog sa bangko
33weeks po ako at nahulog ako mula sa monoblock chair. May crack na po talaga iyon sa isang paa at nawala sa isip namin na meron kaming sirang bangko, nagkataon po na ako ang napaupo at biglang bumigay, balakang po ang unang bumagsak bago ako napahiga ng tuluyan, may epekto kaya ito sa bata? Naalog kaya sya ng bahagya? Thank youuuu.
Miscarriage
Nagkakaron din po ba ng PPD ang mga nakunan? 4 months ago, nahuli ko ang partner ko na may babae, after 2 months, nabuntis ako, and after 2 months, nakunan ako. After the miscarriage, sobrang unstable ng emotions ko. Minsan sobrang saya pero madalas sobrang down. Madaming gabi na umiiyak dahil pakiramdam ko, walang nakakaintindi sakin, iniisip ko na hindi valid yung nararamdaman ko at wala akong karapatan sa nararamdaman ko. Nakakaranas din ba ng PPD ang mga nakunan o nagooverthink lang ako sa mga bagay bagay?
6months old
Hi mga mommies na may 6months old na babies, ilang oras ang interval nyo sa pagpapadede sa gabi? breastfeeding po kami. Worried lang po ako kasi minsan 5-6hrs na wala syang dede, di rin naman sya naiyak pero kapag pinadede naman, dededehin nya. masyado bang mahaba yung time interval nya? maraming salamat sa sasagot.
October babies
Hi po, tanong ko po kung sino dito ang lumagpas na sa due date pero normal at walang problem po nung nanganak? And kung ilang araw po lumagpas? due date ko na po kasi ngayon pero wala pa ding paramdam si baby. thank you po sa sasagot.
October baby
Hello po mga mommies. Ask ko lang po sino dito ang same case ng sakin, Oct 13 ang due date pero hanggang ngayon, no signs of labor. wala pa din pong bloody discharge. kailangan ko na po bang magworry? thank you sa sasagot 😊
SSS
Hello po mga mommies, ask ko lang po if entitled pa din sa maternity benefits if napalyahan ng hulog ang sss ko? Nagresign na po kasi ako sa work ko and Feb ang last payment, ngayon ko lang po naayos yung payment at April nalang yung nahabol ko. October po ang due date ko. Thank you ng madami sa makakasagot 😊