Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hoping for a child
Change Milk
Hello mommies? 1st time mom here and may concern lang po sana ako kung pano po malaman kung hindi hiyang si Baby sa bagong milk na ipapalit ko po? Balak ko po kasi sanang mag change nang milk niya from S26 po to medyo murang milk lang kahit ano, na okay naman sa kanya at hindi sya magka problema sa tiyan at pag poop. Thank you po??
Ayaw Dumede
Good morning po mga mommy's? Ano po kaya pahiwatig pag ayaw na ni baby sa milk nya or kung gusto na niya magpa change nang milk po? S26 po milk nya ngayon. 5months po si baby and minsan hindi nya nauubos milk nya palaging may tira kung 4oz palaging may 1oz na tira sa milk niya kung 6oz naman palaging may 2oz na natitira hindi nya talaga nauubos. Minsan naman po ang tagal nang interval bago sya domede ulit like aabot nang 6-8hours minsan sumo sobra pa and minsan din po pinaglalaruan niya lang sa gums niya yung nipple nang dede, naninibago lang po kasi ako the way sya mag dede ngayon. Pinakain ko na din po sya mga momsh 5months naiisip ko baka isa din yan sa dahilan, baka busog pa or nag ngingipin po kaya?? Pero gusto ko lang kasi manigurado first time mom kasi. Salamat po sa makakasagot??
masakit puson
Hello mga ka-mommies. Is it normal po ba na sumasakit puson ko? I'm 31weeks preggy po. natatakot po kasi ako na baka mag early labor ako, then ang layo2 pa Nov pa due date ko.
Spotting
Hello po mga momsh. sorry po sa pic, Tanong ko lang if normal lang ba sa buntis mag spotting? I'm 6months preggy po at ngayon lang ako nagka ganito na second trimester ko na.
Yellowish
Hello po mga momsh :) Ano po ang cause, treatment at prevention kung nag yellowish yung skin nang baby ko at mata?
Okay lang po ba every month nagpapa ultrasound?
Hello po mga momsh :) ask ko lang if okay lang po ba na every month ako nagpapa ultrasound? ganyan din po kasi ginagawa nang ob ko every prenatal namin, tinitingnan niya yung baby. May nakapagsabi kasi sa akin na masama daw palaging nagpapa ultrasound, nakakasama daw sa baby kasi may radiation. Nag wo'worry tuloy ako.
Duphaston
Hello po :) ask ko lang po pwede pa rin ba ako uminom nang Duphaston yung pangpa kapit, kahit hindi na sumasakit puson ko? kasi may ferrous na ako at folic acid, nag a anmum pa ako. baka kasi ma sobrahan sa gamot or makasama kay baby.
16weeks
pag nagpa ultrasound ako, malalaman na kaya gender ni baby? ?
Hirap makatulog at hindi nakakakain sa tamang oras
Mga momsh sino po dito hirap makatulog sa gabi? I'm 16weeks pregnant po, hirap po ako makatulog sa gabi minsan nasa 4am or 5am na ako makatulog at syempre dahil ganyang mga oras na ako nakakatulog ang gising ko naman nasa mga 12pm or 1pm na nang tanghali kaya hindi na ako nakaka pag breakfast. Okay lang po ba yan? Hindi po ba yan makakasama sa baby? first time ko po kasi ma preggy.
Hindi makatulog
Normal lang po sa isang buntis ang hirap makatulog? minsan kasi kahit 4am na hindi pa rin ako makatulog. 15weeks pregnant po ako.