Good morning po sa mga mommies. Need ko po opinion nyo. Last menstruation ko po ay Oct 14. Based sa My Calendar app, 6 days delayed na ako. Regular po ako, monthly dinadatnan, now lang po nadelay. Dahil excited ako, every day nag pi-PT ako at palaging negative. Looking back, 2 days before ng expected mens ko po ay nagkaroon ako ng light brown discharge na may halong tint of blood at nawala rin po agad. From that day, on and off na yung brown discharge. Ang pinakalast po is nung Oct 16 then nag stop na. Ngayon po mostly parang sipon na discharge na at nag increase na. Past weeks before rin po ng expected mens e ang sakit ng nipples ko then nawala na po ngayon. Alaga po ako ng OB at ang advice nya ay weekly PT pero dahil excited nga ay nag di-daily ako. 🤣 Tingin nyo mga mommies malaki ang possibility na preggy po ako kahit negative parin until now? Iniisip ko nga po mag pa serum test na kahit wala pa advise si OB 🤣 #delayed
Đọc thêm2 days delayed pero negative PT
Sino po dito may same case sakin? 2 days delayed, nagkaron ng discharge with tint of blood 4 days ago tapos on and off na ang brown discharge until ngayon. On and off rin ang cramping na parang magkaka period pero nawawala rin. Negative PT parin. 1st day of last mens - Oct 14. HSG procedure - Oct 21 (Result is OK both tubes are patent) #delayedperiod #hsg
Đọc thêmHello, kailangan ko po ng makakausap. 1st baby ko po sana. Apr 11 1st transV ko, based don mahina ang heart beat ni baby 54bpm lang. Based rin sa last menstrual period, dapat 7wks na sya that time pero based sa ultrasound is 6wks lang. Then binigyan ako ng progesterone (heragest) 2x/day for 2 wks. Aside sa mahina heart beat, may nakita rin sakin na myoma at dermoid cyst. Nag rest rin ako nun sa bahay. After 2 wks, Apr 25 yesterday, nag pacheck kami at 2nd opinion sa ibang OB, dito nakita na wala na heartbeat si baby. Nag stop na rin sya sa 6wks and 6days. Di na daw sya lumaki. Dapat 8 wks na sya based sa last ultrasound. Sobrang lungkot, iyak ako ng iyak. Binigyan na ako ng primrose na need ko ipasok sa puerta ko 3x a day for 1wk. Pag daw di ko nailabas lahat ng dugo, iraraspa na ako next week. Ang sakit sakin kasi naiisip ko paano kung nagkamali lang yung machine or may human error, pano kung may heart beat pa talaga si baby. May experience na po ba kayo or may kakilala kayo na may same case sakin tapos biglang nagkaheart beat? Hindi kasi mawala sa isip ko, paano kung may chance pa. Ang hirap tanggapin kasi nilaban ko mabuhay sya tapos ngayon need ko syang tanggalin sa katawan ko. Napakasakit. #fetaldemise #heragest #dermoidcyst #Myoma #primrose April 28 update: until now po di pa ako dinudugo kahit naglalagay ako ng primrose every 8hrs.
Đọc thêm