Fetal demise

Hello, kailangan ko po ng makakausap. 1st baby ko po sana. Apr 11 1st transV ko, based don mahina ang heart beat ni baby 54bpm lang. Based rin sa last menstrual period, dapat 7wks na sya that time pero based sa ultrasound is 6wks lang. Then binigyan ako ng progesterone (heragest) 2x/day for 2 wks. Aside sa mahina heart beat, may nakita rin sakin na myoma at dermoid cyst. Nag rest rin ako nun sa bahay. After 2 wks, Apr 25 yesterday, nag pacheck kami at 2nd opinion sa ibang OB, dito nakita na wala na heartbeat si baby. Nag stop na rin sya sa 6wks and 6days. Di na daw sya lumaki. Dapat 8 wks na sya based sa last ultrasound. Sobrang lungkot, iyak ako ng iyak. Binigyan na ako ng primrose na need ko ipasok sa puerta ko 3x a day for 1wk. Pag daw di ko nailabas lahat ng dugo, iraraspa na ako next week. Ang sakit sakin kasi naiisip ko paano kung nagkamali lang yung machine or may human error, pano kung may heart beat pa talaga si baby. May experience na po ba kayo or may kakilala kayo na may same case sakin tapos biglang nagkaheart beat? Hindi kasi mawala sa isip ko, paano kung may chance pa. Ang hirap tanggapin kasi nilaban ko mabuhay sya tapos ngayon need ko syang tanggalin sa katawan ko. Napakasakit. #fetaldemise #heragest #dermoidcyst #Myoma #primrose April 28 update: until now po di pa ako dinudugo kahit naglalagay ako ng primrose every 8hrs.

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

taena ayoko maiyak pero naiiyak ako grabe😭😭😭😭same case tayo sis noon Oct 2022 nakunan ako, embryonic demise nga yung akin yung word talaga na "DEMISE"ang nakakapag balik ng trauma ko sa una kong baby😭 kase ako hanggang ngayon sinisisi ko parin yung sarili ko sa pagkawala ng baby ko, yung pagkasabi na wala na si baby ko para akong nawala sa sarili nanginig ako sa takot at kaba nasana hindi totoo kase grabe iyak ko talaga non. pero wala ehy nag pa 3rd opinion ako nun kase di ako makapaniwala "demise" its mean wala na...😭😭😭grabe pag nagka spotting ka its mean yun na yon... ako kase ganun ehy ng sinugod ako sa hospital kase ayoko mawala baby ko at ayaw ko ipatanggal si baby pero wala ehy kailangan😭😭😭ang sakit kaya bumitaw pag alam mo yung anak mo yung mawawala kahit sabihin nila na hindi mopa naman nakakasama pero tangina ang sakit non para sakin..hanggang sa sabi ko sa anak ko "Baby kung nahihirapan kana iwan muna si mommy ready na ako i let go ka" tyaka dun palang bumitaw anak...ko at kusa siya lumabas sakin...at hindi niya na ako pinahirapan pa😭😭😭 hindi na rin ako niraspa pinainom nalang ako ng gamot...na pampalinis ng katawan. naiiyak ako grabe..pero now binalik naman ni god si baby agad.... after 3 months nabuntis ulit ako ngayon todo ingat na ako.😭😭

Đọc thêm
2y trước

congrats sis. ako yata di pa pwede mapreggy agad. kasi may dermoid cyst pa ako. need muna rin yun maremove after ni baby

I am very sorry for your loss po!! I know hindi po ma fathom ang sakit na nararamdaman niyo, but please know na ginawa niyo na po ang lahat, since pina balik na kayo for the 2nd time, which yun po ang viability ng embryo if nag develop po, it means nagawa niyo na ang lahat, including po yung pagpa 2nd opinion niyo. May mga bagay po talaga na hindi pa right time, dahil may reason po, isa na po yung other diagnosis na nakita sa inyo, at dahil na detect po siya probably it could harm both you and the baby. Take time po to heal, grieving is a process po, I understand na masakit po ang ganitong news kasi nilaban mo naman, nilaban niyo ng baby niyo, but its just that hindi pa kaya, you gain an angel in heaven po. If hindi pa rin po kayo kampante you can always ask for third opinion. At wag po kalimutan valid lahat ng feelings at emotions niyo kahit negative pa yan, valid yan.. God bless you po.

Đọc thêm
2y trước

thank you po

if 2weeks na po ang hinintay, at walang progress masyado nang matagal na yun para po bumalik ulit ang heartbeat.. poaaible may heart problem si babh kaya ganyan di po magamda ang nadevelop.masakitbtalaga kawalan ng baby, lalo nankung nabuhay po na may problem then babawiin din agad sayo. ganyan angbexperience konsa 1st baby ko. naitawid ko ng 1st at 2nd tri pero nung 1month bago ko sya ilabas kusang nagstop ang heart. possible may problem daw na late na lumabas.. pray at in God's time, makakayanan mo rin yan..Godbless.

Đọc thêm

Hi mommy sorry for your loss isipin nyo nalang na may rason bat nawala ang baby mo. You were diagnosed with dermoid cyst di po ba? Ang pagbuntis while having a dermoid cyst is risky dahil yung cyst could rupture habang lumalaki si baby sa tyan mo, kung hindi man nag demise si baby mo baka may masamang mangyari naman pag nag rupture ang cyst kaya be strong lang and isipin mo nalang na babalik din si baby sayo. Btw nag ka dermoid cyst din ako at nag pa opera ako bago ko plinanong mag buntis.

Đọc thêm

while waiting if may sasagot, kindly search muna dito sa app kung may kapareho kang case. itype mo lang sa taas, ung may magnifying glass. then piliin mo "in Post". if gusto nio, another OB for third opinion. para mawala sa agam-agam nio at hindi kau magsisisi sa bandang huli. tingin nio baka may pag-asa, atleast ginawa nio parin ung tingin nio na makakagaan sa loob nio. pray po for strength and miracle.

Đọc thêm

Same tayo, nagpatransV ako kahapon no heartbeat, maghapon kami naghanap ng pde mag check up skn, hangang knina. Panay iyak ko kahapon pero ngaun Kakauwe kolng galing sa new OB ko. Ayw nya pa ipatanggal mag antay daw kami ng 1wk at mag pa transV daw ulit ako after 1wk tska kami magdecide.

2y trước

ilang weeks po ba?

Yes may mga cases po na ganyan bumabalik ang heartbeat ni bby pero atleast 2 weeks lamg po ang binibigay na palugit,delikado kase yun sa inyo mii pwede kayo malason. Pwede nman po kayo magpa-ultrasound for another opinion ulit. Safe nman yun.

2y trước

Siguro mahina placenta mo sis. Dko din masabi eh,kasi 2weeks mahigit na pala lumipas.

sorry for your loss po. same case here Po fetal demish din 10 weeks na dpat pero 7 weeks lang sa utz no heartbeat din. pinatake pako Ng duphaston noon. pero wla din. anyway pray lang Po. hugs mi.

2y trước

Wala sakin pinatake na kahit ano Si ob pinag wait lang po ko. nung dinugo Ako nagpa raspa na Po ako

well for me ok na po yan siguro na weeks palang unlike sa iba po pagkalabas patay na.may purpose po c god d naman nia tayo bbgyan ng trials na d ntn kaya lampasan.always pray to him...

hawakan niyo po sa may harap ng leeg niyo po kung malakas tumibok ibig sabihin buhay ung baby mo.