Fetal demise

Hello, kailangan ko po ng makakausap. 1st baby ko po sana. Apr 11 1st transV ko, based don mahina ang heart beat ni baby 54bpm lang. Based rin sa last menstrual period, dapat 7wks na sya that time pero based sa ultrasound is 6wks lang. Then binigyan ako ng progesterone (heragest) 2x/day for 2 wks. Aside sa mahina heart beat, may nakita rin sakin na myoma at dermoid cyst. Nag rest rin ako nun sa bahay. After 2 wks, Apr 25 yesterday, nag pacheck kami at 2nd opinion sa ibang OB, dito nakita na wala na heartbeat si baby. Nag stop na rin sya sa 6wks and 6days. Di na daw sya lumaki. Dapat 8 wks na sya based sa last ultrasound. Sobrang lungkot, iyak ako ng iyak. Binigyan na ako ng primrose na need ko ipasok sa puerta ko 3x a day for 1wk. Pag daw di ko nailabas lahat ng dugo, iraraspa na ako next week. Ang sakit sakin kasi naiisip ko paano kung nagkamali lang yung machine or may human error, pano kung may heart beat pa talaga si baby. May experience na po ba kayo or may kakilala kayo na may same case sakin tapos biglang nagkaheart beat? Hindi kasi mawala sa isip ko, paano kung may chance pa. Ang hirap tanggapin kasi nilaban ko mabuhay sya tapos ngayon need ko syang tanggalin sa katawan ko. Napakasakit. #fetaldemise #heragest #dermoidcyst #Myoma #primrose April 28 update: until now po di pa ako dinudugo kahit naglalagay ako ng primrose every 8hrs.

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hawakan niyo po sa may harap ng leeg niyo po kung malakas tumibok ibig sabihin buhay ung baby mo.