Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
18642 Người theo dõi
Stomach Tightening 29 weeks
Normal lng po ba maka feel ng tightening sa tummy habng nakatayo or naglalakad during 29 weeks po?? Hindi po ako maka lakad ng matagal kasi mabilis mag tight ang tummy po ..
Food for 10 months
Ang baby ko 10 months na ayaw na nya ng mga mash na gulay at fruits nagsasawa na siguro kasi niluluwa nya at nilalaro magtalsikan nalang, sinubok ko ang rice gusto nya ayaw nya na may sabaw, kaso baka hindi matunawan sa rice, ano kaya maganda ipakain sa 10 months old., mahina nadin sya sa gatas pero pag uwi ko sa work malakas sya nadede , kaso gumagaan na baby ko.
Medicine and cure for binat
Mga mhie may alam ba kayo gamot sa binat herbal man o organic or di kaya medicine. 3 months mula nung nanganak ako ng normal naglaba kasi ako at nabuhat ko yung mabigat na foam, mula nun biglang may sumakit sa may pusod ko sa loob grabe ang sakit, minsan nawawala minsan sumasakit minsan bigla akong nilalamig at trangkaso , minsan sumasakit ulo ko at katawan ko. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko at paano, kasi ilang beses na akong nagpahilot ganun padin.
Pagmumuta ni baby
Hello, mommies! Genuine question po. Naranasan nyo na po ba yung nagmumuta yung mata ni baby pero isang side lang? Dahil po ba talaga ito sa ubo kaya may ganon? Sample photo lang po ito, pero yung kay baby is hindi naman nagluluha and no redness at all.
sino dito kagaya ko nararamdaman pa din little kicks sa tummy kahit nanganak na?
10mos postpartum and parang may nararamdaman pa din akong sumisipa sipa sa tummy ko hahahaha. nung una kinakabahan ako lalo nung nakapag do na ulit kami ni mister nung 6mos si baby. pero regular naman ako dinadatnan. or baka bumabalik lang mga laman loob sa dating pwesto?#askmommies
Unwanted Pregnancy
Mga mie 25 years old po ako, may asawa at dalawang anak (5 yrs. old at 9 mons. old). Ang nangyari po ay pinipilit po ako ni Mr makipagtalik kahit talagang ayoko dahil di pa nga ako nag take ng pills dahil di pa ako dinadatnan at di pa talaga ready ang katawan ko. Hindi ko alam ba't hindi ako maintindihan ng asawa ko. Sa tuwing hindi ko sya pinagbibigyan iniisip nya agad na nagbago na ako at wala na akong pagmamahal sa kanya. 2 mons. PP pa lang po ako at medyo masakit pa tahi ko nun pero gusto na nya magtalik kami. Hanggang sa March biglang masama pakiramdam ko kaya kinutuban na ako. Nag pt ako, at positive nga. Ngayon po 11 weeks preggy na ako at hanggang ngayon di ko parin po matanggap itong dinadala ko. Masakit sa akin dahil mahal ko ang pagiging nanay ko pero bakit parang di ko kayang mahalin ang dinadala ko ngayon. Maingat at maalaga ako pag nagbuntis, pero ngayon parang wala akong pakialam may mangyari mang masama sa dinadala ko. Hindi pa po talaga ako handa mga mie. Sobrang hirap mag buntis at manganak pati mag alaga ng bata. Oo mabait at maalaga naman ang asawa ko at tinutulungan nya ako mag alaga sa mga bata, pero talagang ayoko pa sana. Gusto ko ipa abort itong dinadala ko pero sa tuwing may nakikita akong mag asawa sa fb o tiktok na nangangarap at hirap magkaanak, nakokonsensya ako. Kaya sobrang sakit sa akin, hindi ko alam anong gagawin ko. Ngayon parang nawala na rin ang pagmamahal ko sa asawa ko. Sa tuwing nakikita ko ang bump ko hindi po ako masaya. Nararamdaman ko lang ay ang galit at sama ng loob ko sa asawa ko. Bakit po kaya ganito nararamdaman ko mga mie? Normal ba ito o masama ba akong ina? Ano pong gagawin ko mga mie? 😭
How to add pregnancy tracker?
We are pregnant again and we don't know how to add another pregnancy tracker here in the app.
Milk recommendation
goodpm mga Mhie. hihingi lang sana ko ng milk na ma rerecommend nyo, hindi kasi nadede ng formula ang aking LO. Ang hirap nya padedehin sa totoo lang and dami ko na na-try ng milk pero either ayaw nya ng lasa or di nya hiyang. Enfamil, S26, Similac, Nan Pro yung mga mahal pa na gatas ang ayaw nya 😅 Anyway baka meron pa kayo ma suggest po na gatas ng LO nyo..pa share naman sana. Thanks po sa sasagot 😌
Flora liquid (erceflora) para saan po ba talaga yan?
pina check up ko LO ko (8months) sa pedia kasi 3days na nilalagnat then nawawala, masama pakiramdam kaya humina kumain okay din poop nya walang sipon or ubo then yan na nireseta sa kanya flora liquid, pero sabi ng pedia nya possible daw na sa teething kung after 3 days daw nilalagnat pa din to make sure daw ipa lab test ko na kung nababahala ako, ano po kaya problema?
Positive po ba?
7 months postpartum pa lang po ako. 1st period ko after panganganak ay nag start po nung Feb. 6, kaso di ako nakahingi agad ng pills dahil nagkasakit ako nun. At ito na nga si Mr na di makapaghintay jusko dayy! 2 times lang po may nangyari, di pa ako dinadatnan ulit at mukhang may nabuo na nga huhu. 😅