Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First time Mom
Biglang pananakit ng dibdib
Hello po mga mommy baka Po may makakasagot bigla bigla na lang po kase nasakit dibdib ko na parang naninikip pero wala Naman po akong sakit sa puso di ko po sure kung epekto ba to ng pagtaba ko or sa DMPA ko. Help Naman po kinakabahan po ako di ko po alam ang dahilan 😭
COE for Maternity
Mga mommy tanong ko lang po naeexpire po ba Ang COE galing sa company pag kumuha Ng maternity?
Ngipin
Sino po dito nakaexperience na maaga nagkangipin baby nila? Yung baby ko po kase nagtatae tapos nagkasinat going to 3 months pa lang po siya tapos may nakakapa po kami sa gilagid niya may matusok ngipin po kaya Yun? Magkabilaan po e tapos kulay white
Sawan
Hello po Momsh Sino po dito naexperience na nagkasawan ang baby nila? Normal po ba yung ganyan na nasa picture tapos nilalagnat po tapos matamlay ilang araw na po kase.
Isaiah Lucas
Sharing My Birth Story EDD: JUNE 8, 2020 DOB: June 4, 2020 As a First time mom sobrang nahirapan talaga ako ilang araw din ako daing ng daing at sobrang sakit talaga ng tiyan ko pero nawawala din. Kung ano ano na ginawa ko para bumaba tiyan ko kase sobrang taas pa nung nagpaIE ako close pa cervix ko tapos ginawa ko lakad lang ng lakad inom ng pineapple at mag insert ng primrose kada Gabe tapos magpacheck ulit ako kinabukasan kase nasakit na talaga tapos nag 2cm na pero mataas pa din edi inom ako ng murang buko tapos upo sa maligamgam na tubig tapos naglakad ako maghapon walang tigil kinagabihan di ko na kaya talaga ang sakit kaya nagpadala na agad ako sa Birthing home na malapit samin dun pa lang pala ako naglalabor grabe sobrang sakit na talaga mag 11 pm na nun pero mataas pa din tiyan ko iniIE ako pagdating ko dun 3 cm to 4 cm na kaya ang ginawa ng midwife nagpalsak sa pwerta ko ng 8 na primrose tapos pinagpahinga muna ko kase baka 2 am pa daw lalabas si baby pero Hindi talaga ako mapakali kase sobrang sakit di ako makatulog tuwing hihiga ako nasakit siya mga 2 am na nakaramdam ako na para akong umiihi kaya pinatawag ko ulit yung midwife pero Hindi pa din daw mataas pa rin kaya tinurukan na ko ng pampahilab ilang oras din ako naglabor mga 4am talaga Hindi ko na kinaya dinala na ko sa room at yun na nga lalabas na si baby hirap na hirap ako sa pag-ire yung tipong mauubusan na ko ng hininga pero kinakaya ko mga ilang minuto pa lumabas na si baby kaya pala hirap na hirap ako ilabas siya 3.5 Kilos lang naman siya ang liit liit ko lang na babae tapos doble ang buhol ng pusod niya sa kanya paglabas niya kulay violet siya di umiiyak pandalas ang midwife at katulong niya sa pagtanggal ng pusod inoxgen at sinuction si baby kase parang Hindi na makahinga mangiyak ngiyak na ko nun kase first baby ko e tapos sa awa ng diyos kahit medyo natagalan umiyak din si baby hinang hina na ko nung time na yun hindi ako natulog inantay kong umiyak baby ko dasal lang ako Ng dasal at eto na siya ngayon 2 months na siya. 😊 GOODLUCK sa mga mommy na manganganak pa Lang kaya nyo yan. 😇
Immature
He's turning 21 this year and I'm 23 years old di kami nagsasama kahit may anak na kami kase magkapitbahay lang naman kami pinupunta puntahan lang niya kami sa bahay ayaw din kase Ng parents niya na magsama kami at nag-aaral pa siya working student siya at nakadepende pa din siya sa nanay niya lahat ng utos ng nanay niya sinusunod niya Wala siyang sariling desisyon kahit sarili pa niyang pera yon kailangan bigay sa nanay. At ang nakakainis pa puro laro at gala siya di man lang makapag-alaga sa anak si mama ang katulong ko lagi sa pag-aalaga kahit nung buntis pa ko. Ngayon hinahayaan na ko ni mama mag-alaga para matuto ako. Lagi akong puyat at pagod tapos nalilipasan ng kain. Nagrereklamo na ko sa asawa ko pero balewala lang sa kanya ganun pa din siya. Nagagawa niyang magpuyat kalalaro pero sa anak niya Hindi. Pati pag nandiyan mga barkada niya mas inuuna niya yon kesa samin ng anak niya puro inom at yosi din siya. Pupunta lang pati sa bahay pag gusto niya di man lang niya ko matulungan kahit sa paglalaba ng damit ng anak namin sobrang tamad niya talaga. Di man Lang siya magpagsabihan ng nanay niya. Nakakainis na talaga di ko na alam gagawin Pahingi naman po ng konting advice. TIA
Breastfeed Problem
Mga mommy any advice po di po ako nakapagpadede since nanganak ako 1 month na po si baby ko kase inverted nipple po ako nagkagatas po ako pero parang nawala din po kase 1 month na nga po ako Hindi nakapagpadede pero pag pinipisil ko po nipple ko may nalabas pa naman po gusto ko po Sana magpump na lang. Paano po kaya bumalik yung gatas ko?
Breastmilk
Mga mommy ilang days or months po bago mawala breastmilk nyo if Hindi kayo nagpadede? TIA.
Breastfeeding
Mga momsh Help naman po nasstress na po ako di ako makapagpadede maliit lang po Dede ko tapos lubog na lubog yung utong ko nawala na din po gatas ko gusto ko po Sana ibreastfeed si baby kaya lang di siya makadede sakin formula milk po siya ngayon. Ano po kaya magandang gawin para bumalik yung gatas ko ulit 2 weeks old pa lang po siya ngayon. TIA
Discharge
Mga mommy normal lang po ba yung brown na discharge sa panty ko tapos nung naghugas ako ng pempem ko may nakapa akong kulay puti na buo buo after po nun may bahid na ng dugo panty ko. Salamat po sa sasagot