Isaiah Lucas

Sharing My Birth Story EDD: JUNE 8, 2020 DOB: June 4, 2020 As a First time mom sobrang nahirapan talaga ako ilang araw din ako daing ng daing at sobrang sakit talaga ng tiyan ko pero nawawala din. Kung ano ano na ginawa ko para bumaba tiyan ko kase sobrang taas pa nung nagpaIE ako close pa cervix ko tapos ginawa ko lakad lang ng lakad inom ng pineapple at mag insert ng primrose kada Gabe tapos magpacheck ulit ako kinabukasan kase nasakit na talaga tapos nag 2cm na pero mataas pa din edi inom ako ng murang buko tapos upo sa maligamgam na tubig tapos naglakad ako maghapon walang tigil kinagabihan di ko na kaya talaga ang sakit kaya nagpadala na agad ako sa Birthing home na malapit samin dun pa lang pala ako naglalabor grabe sobrang sakit na talaga mag 11 pm na nun pero mataas pa din tiyan ko iniIE ako pagdating ko dun 3 cm to 4 cm na kaya ang ginawa ng midwife nagpalsak sa pwerta ko ng 8 na primrose tapos pinagpahinga muna ko kase baka 2 am pa daw lalabas si baby pero Hindi talaga ako mapakali kase sobrang sakit di ako makatulog tuwing hihiga ako nasakit siya mga 2 am na nakaramdam ako na para akong umiihi kaya pinatawag ko ulit yung midwife pero Hindi pa din daw mataas pa rin kaya tinurukan na ko ng pampahilab ilang oras din ako naglabor mga 4am talaga Hindi ko na kinaya dinala na ko sa room at yun na nga lalabas na si baby hirap na hirap ako sa pag-ire yung tipong mauubusan na ko ng hininga pero kinakaya ko mga ilang minuto pa lumabas na si baby kaya pala hirap na hirap ako ilabas siya 3.5 Kilos lang naman siya ang liit liit ko lang na babae tapos doble ang buhol ng pusod niya sa kanya paglabas niya kulay violet siya di umiiyak pandalas ang midwife at katulong niya sa pagtanggal ng pusod inoxgen at sinuction si baby kase parang Hindi na makahinga mangiyak ngiyak na ko nun kase first baby ko e tapos sa awa ng diyos kahit medyo natagalan umiyak din si baby hinang hina na ko nung time na yun hindi ako natulog inantay kong umiyak baby ko dasal lang ako Ng dasal at eto na siya ngayon 2 months na siya. 😊 GOODLUCK sa mga mommy na manganganak pa Lang kaya nyo yan. 😇

Isaiah Lucas
28 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako po maliit lang din 4'10 lang kaya ayaw ako pakainin ni hubby ng matatamis at bawas sa kanin. Nabawi lang talaga ako sa fruits kasi baka iyak tawa daw ako pag manganak na haha kaya wag daw palakihin si baby sa tummy paglabas na lang daw.

4y trước

Nagdiet naman po ako kaso talagang lumaki si baby. Lagi po kase akong umiinom ng malamig na tubig e.

Congrats Mommy! 😇❤ same taung hirap na hirap ilabas c baby at 3.5 kgs din xia hehe .. muntik pa akong maidala sa hospital at hndi ko na tlga kaya .. sa lying in clinic kse nanganak ☺ ngaun turning 2 mos na xia sa 20 ☺☺

4y trước

Ako din momsh halos maubusan na ko ng lakas mailabas ko lang siya. Bumaliko na nga po Yung karayom sa dextrose ko. Hahahahaha Congrats din po sainyo. 😊

congrats po. sana all nainormal kahit double cord coil si baby. ko kasi cs eh kahit 3.3kg lang si baby pero double cord coil din. going 2mos na rin kami hihi congrats po

4y trước

Sa Birthing Home po kase ako nanganak momsh kaya nainormal ko po kung sa ospital po malamang cs din po ako. Lakasan lang po talaga ng loob para mainormal di ko naman po kase Alam na double cord coil si baby ko. Congrats din po sa inyo. 😇

Same story tayu mommy first time mom din aq Ang pinagkaiba lng po natin na Cesarian po aq.

4y trước

oo po kc Hindi daw nila kakayanin kapag pinilit n e normal ako baka may mangyare sa baby ko Kya pumunta nlng kme hospital

Congrats mommy for the safe delivery! 😀

CONGRATS PO 🙏🙏😇😇

Super Mom

Congratulations, mommy. 💕

Super Mom

Congratulations mommy ❤

Wow congrats 🎊 sisy

Saang birthing home ka sis??

4y trước

Dito po sa may batangas momsh.