Hi mga momsh. First time to be late mula nung gumamit ako ng app na to mga 5 mos na din. Wala pa naman akong kakaibang nararamdaman like body aches, tender breast or masakit ang puson. Normal pa lahat EXCEPT lagi akong galit halos everyday kahit wala naman talagang valid reason nagagalit ako sa asawa ko at mainit ulo ko. Wala pa sa isip ko magpt kasi alam kong too early pa. And if ever in 3 days di pa din ako magkaroon, pwede na ba non magtest? Working ako everyday specifically office work but we were really really trying to have a baby esp. this year turning 37 na ako nextmonth so given my age, alam nyo na po... Share naman kayo ng ideas mga momsh. Thank you in advance. 😌 #tryingtoconceive #babydustsoon
Đọc thêmConception Guide App/ Meet You
Hi mga Momshies! Kamusta kayo? It’s been a while na naman. Silent reader pa din ako hanggang ngyon and silently waiting for my little one to come. 🙏 Ask ko lang if meron sa inyo same sa akin na gumagamit ng app na to and can you say if it’s effective in any way? Ngayon ko lang kasi nalaman tong app na to kaya ngayon ko lang natry. Thank you in advance for any comments. 😊 #TryingToConcieve 🤰#almost10yearstogether
Đọc thêmHerbal Capsule and Gluta para mabuntis
Hi mga momsh... It’s been a while na naman.... Ask ko lang if meron din sa inyo na nagtatake nito pareho. 1st try ko plang nito ngayon na sabay. Pero yung gluta 1 month na din. So dahil “try” nga, di ko sure kung ano magiging effect. Madami lang akong nababasa at napapanuud na articles and vids na puro positive feedback naman kaya naisipan kong itry and since herbal naman nga. Bumalik na nga din pla ko sa work mga mosh after ko magresign nung dec30. Feeling ko kasi mas maiisip ko ng maiisip magkababy kapag nasa bahay lang ako kaya pinili kong bumalik nalng sa pagwork para malibang yung isip ko sa ibang bagay. Pakiramdam ko mababaliw ako kapag umikot nalng yung buhay ko sa pagiisip kung pano magkaanak. Pero kahit papano gumgawa pa din naman kami ng paraan hanggang ngayon kaya eto... Sumusubok ng kung ano-ano. 🙏🙏🙏#advicepls
Đọc thêmMomshies, ask ko lang kung sino sa inyo nagtatake nito g sniw caps? I am not into the effect na pumuti ako but mostly treat my “infertility problems” . (Unahan ko na kayo sa mga hindi pa ko kilala, this is not my first ever posts here so others know already what i went through) Is there anyone here na nakaexperience ng abdominal cramps and parang masusuka like me? Mag 2 weeks plang naman ako nagtetake nito and i asked the pharmacists in watson sa mga benefits and treatments ng pagtake nito, and sinabi ko din na nagttry ako mabuntis for a long time and this is my first time to try taking a glutacaps,nagwatch na din ako ng vids sa youtube even sa tiktok for the reviews and recommendations sa pagtake orally nito. Gusto ko lang malman if i have the same experience with anyone of you. I appreciate if someone take time to reply. Thank youuuuu #sharingiscaring #hopingtobeamom
Đọc thêmSumasama pakiramdam twing gabi, masakit katawan, likod, balikat at parang masusuka lahat twing gabi
Mga momsh, may nakakaexperience din ba sa inyo ng ganito? Weird kasi twing gabi ko lang nararansan lahat yan, tapos may time din na pakiramdam ko ang init ko parang lalagnatin ako. And di ko din maintndhan ngyon yung tyan ko, minsan masakit kaliwang tagiliran ko, then mawawala, tapos yung kabila naman sasakit pero very manageable naman yung sakit which is very kakaiba talaga for me and di ko maexplain na di mo naman nararamdaman before. Pag umaga naman maghapon ok ako. Nakakakilos ako lahat naggwa ko naman pero pagdating ng pagabi na, ayun na nagiiba na timpla ko. “Eto na po kaya yung hinhintay namin? “Too early pa kasi para magpt, expected period ko is march 20 pa kaya i prefer talaga na hindi muna magpt. FYI lang mga momsh. Mag 37 nako this year and “this” will be our first baby if ever kaya wala talaga ako idea pa sa mga signs and symptoms ng buntis maliban sa delayed period and kilala naman ako siguro ng ibang mga kamomshies natin here na talagang waiting kami for baby for a long time and dumaan na ako sa ilang beses na pagkabigo at pagkadepress . #firstmom #expectedprenancy #weirdfeeling
Đọc thêmHi mga momsh. First, gusto ko lang mag thank you sa inyong lahat, sa mga replies nyo sa posts ko. Di ko naman ineexpect na ang dami nyong magteteke ng time to read and share your ideas and suggestions for my struggle that i’ve been into now. Binabasa ko po lahat ng replies nyo and sobrang naapreciate ko po lahat ng replies nyo. Really. 🤍 Di ako madalas magpost, dahil mas pinipili kong maging silent reader lang. And pasensya na mga momsh kung di ko na kayo mareplyan lahat but pls know that I love all your comments and kwento na shinare nyo sakin. 😘😌 Pero gusto ko lang din malaman nyo na happy naman ang married life ko. Happy kami as husband and wife kahit wala pang baby na dumdating. Wala akong problem sa hubby ko. Walang bisyo, walang alak, walang sigarilyo,barkada or tropa... very manageable. 🤟👌 I can really feel the love, care and acceptance nya sa mga “kakulangan” ko sa knya. Not even a single moment na nasumbatan nya ko, napamukhaan nya ko kung ano yung wala kami sa buhay namin na di ko maibigay bigay sa kanya hnggang ngayon. Meron akong isang post sa facebook na nabasa at talagang tumanim sya sa isip ko. Ang sabi don” Hindi mo mapipili ang magiging magulang mo, pero mapipili mo ang magiging tatay o nanay ng magiging anak mo”. And i believe everyone will agree na napakaganda nung message nun. At hindi lahat ng asawa or live in partner ay kaya tayong tnggapin sa kakulangan natin bilang isang partner sa buhay at lalo bilang isang babae. Kasi aminin natin, isang malaking factor ang pagkakaroon ng anak para maprove ng isang lalaki ang kanyang “pagkalalaki” at malaking factor din yan kung iwanan o ipagpalit tayo sa iba dahil posibleng hanapin nga naman nila sa iba yung makakapagkumpleto ng pagkalalaki nila, db? Pero hindi lahat ng lalake ganun. At ngpapasalamat ako hnggang ngyon sa Panginoon na hindi ganun ang mindset ng asawa ko. Di ko na sya kailangang bantayan 24/7 para lang maprove yung loyalty nya sakin at sa marriage namin. Kampante ako, mbiyayaan man kmi or hindi na talaga, nagtitiwala ako sa pgmamahal nya sakin. Pero sympre, hoping, praying, and waiting pa din kami for our little angel na dumating. Bonus na lang dumating si baby. Biggest blessing ko na si hubby. 💕💯👌#thankful #GratefulHeart #babydustsoon
Đọc thêmWeightloss Journey for Baby Dust
Share ko lang my “weightloss journey” feat. no rice, nilagang saba, nilagang kangkong, and nilagang itlog in 5 days now(2x a day na ganyan lang kinakain ko) with snowcaps gluta (HINDI LANG PO PAMPAPAPUTI ANG GLUTA CAPSULE ) kahit i google nyo pa yan 😂👌 and sinunod ko din yung advise ng mga momshies here na kasama natin and nanuud din ako ng mga vlogs.☺️ No softdrinks or kahit anong juice na din. Coffeee- 1-2 cups a day lang. ☕️No chichirya, fruits na lang(apple or orange lang) May tiyan pa ako jan kasi 5 days pa nga lang ii. 🤣🤣 After a month ulit ang selfie para may before and after pic. ☺️😌 Sayang ang mga vitamins kung hindi sasamahan ng discipline( hindi biro ang price)As we age, maiisip at maiisip mo talaga na hindi na tayo pwedeng kumain na lang ng kumain ng kung anu-ano lalo na kung nsa age bracket na tayo ng 30-40 kasi jan na yung may mararamdaman talaga tayo sa katwan natin kahit ayaw natin . What you eat is what you want to be. Ang disiplina ay nagsisimula sa sarili. 🙏 at naniniwala ako na isang malaking factor din ang weight nating mga babae to conceive lalo na at my age of 36. 💕😘 #babydustsoon
Đọc thêmIt’s been a while and i just want to share again my life lately, it’s been a continous hopes and journey for that biggest blessing to come. Still silently fighting my own battle. Next month we will be celebrating our 4th wedding anniversary and this December, we will be celebrating our 10th year together from day 1 we became couple. Nagpaalaga na din ako sa hilot. Nagresign sa work to focus on myself, my health, mand my state of mind. Now, i just lift everything to God na lang talaga. 🙏🙏 #tryingtoconceive
Đọc thêmAn open letter from a long time mommy to be, sa mga sinsadyang mag s*x pero ayaw naman mabuntis
I wonder, sa dami ng nababasa ko dito sa asianparent na mga post and seeing pictures ng positive pt pero ayaw naman pla mga mabuntis. I can’t help but to think na maybe unfair talaga ang buhay. Bakit??? Kasi andaming mag-asawa sa buong mundo na hindi magkaanak, gumastos na’t lahat, tumanda na ng hindi pa din ngkakaanak. samantalang kayo na mga nandito, biniyayaan na, lalo na sa first time plang pero boom buntis agad. Kung iisipin, napakaswerte nyo. Kasi binigay agad yan. Kaming halos going 40’s na, hnggang ngayon naghihintay pa din, umaasa. Ilang beses nbibigo, paulit ulit nasasaktan dahil sa tagal na naming sumusubok, wala pa din. Pero kayo, nanjan na. Hindi nyo man hiniling siguro pero binigay agad. Ayaw nyo??? Bakit?? Kung alam nyo naman sa mga sarili nyo na ginusto nyo talagang may mangyri sa inyo, kung hindi naman kayo pinilit, kung kusa nyo namang ibinigay ang mga sarili nyo. Isipin nyo sana na kung sino pa yung mga humihiling at gusto talagang magkaanak, sila pa yung hindi nabibigyan. Kung sino pa yung may kakayahan na mkabuhay ng anak, sila pa yung hindi nabibigyan. Tapos makakanuud pako sa news sa tv mga baby na inilabas nga pero itinapon lang. Juskoooooo... Napakaunfair talaga ng buhay. Maiiyak kna lang makakita ng mga batang hindi man lang naransan mabuhay kahit isang araw sa mundo dahil hindi sya piniling mabuhay ng magulang nya samantalang may mga mga mag-asawa na nagnanais na sana anak nlng nila yun. 🤦♀️🥺😢😟#bantusharing #realtalk #babydustsoon #InGodsGrace
Đọc thêmPhinga muna sa work to focus magkababy
Sino sa inyo mga momsh ang long time trying to conceive na? Ano yung mga gingawa nyo para hindi na lang masyado maisip yung pinagdadaanang “ganito” ? And since I am long time trying na din, napagdesisisyunan naming mag-asawa na magstop na muna ako sa work siguro within 6mos to focus on myself, iwas muna sa stress, lahat ng klase ng stress specially “workrelated stress”. Para mgkaroon ng time to visit doctor regularly, do checkups regularly. Lahat ng dapat gawin ng isang TTC. #Conceiving #Asking Please help me momsh to grant out greatest wish and hardest prayer to have a child. 🙏 And baka may masusugest pa kayo na ibang pwedeng gawin para malagpasan at makayanan pa namin tong struggle na to.
Đọc thêm