An open letter from a long time mommy to be, sa mga sinsadyang mag s*x pero ayaw naman mabuntis
I wonder, sa dami ng nababasa ko dito sa asianparent na mga post and seeing pictures ng positive pt pero ayaw naman pla mga mabuntis. I can’t help but to think na maybe unfair talaga ang buhay. Bakit??? Kasi andaming mag-asawa sa buong mundo na hindi magkaanak, gumastos na’t lahat, tumanda na ng hindi pa din ngkakaanak. samantalang kayo na mga nandito, biniyayaan na, lalo na sa first time plang pero boom buntis agad. Kung iisipin, napakaswerte nyo. Kasi binigay agad yan. Kaming halos going 40’s na, hnggang ngayon naghihintay pa din, umaasa. Ilang beses nbibigo, paulit ulit nasasaktan dahil sa tagal na naming sumusubok, wala pa din. Pero kayo, nanjan na. Hindi nyo man hiniling siguro pero binigay agad. Ayaw nyo??? Bakit?? Kung alam nyo naman sa mga sarili nyo na ginusto nyo talagang may mangyri sa inyo, kung hindi naman kayo pinilit, kung kusa nyo namang ibinigay ang mga sarili nyo. Isipin nyo sana na kung sino pa yung mga humihiling at gusto talagang magkaanak, sila pa yung hindi nabibigyan. Kung sino pa yung may kakayahan na mkabuhay ng anak, sila pa yung hindi nabibigyan. Tapos makakanuud pako sa news sa tv mga baby na inilabas nga pero itinapon lang. Juskoooooo... Napakaunfair talaga ng buhay. Maiiyak kna lang makakita ng mga batang hindi man lang naransan mabuhay kahit isang araw sa mundo dahil hindi sya piniling mabuhay ng magulang nya samantalang may mga mga mag-asawa na nagnanais na sana anak nlng nila yun. 🤦♀️🥺😢😟#bantusharing #realtalk #babydustsoon #InGodsGrace