Happy wife, happy life
Hi mga momsh. First, gusto ko lang mag thank you sa inyong lahat, sa mga replies nyo sa posts ko. Di ko naman ineexpect na ang dami nyong magteteke ng time to read and share your ideas and suggestions for my struggle that i’ve been into now. Binabasa ko po lahat ng replies nyo and sobrang naapreciate ko po lahat ng replies nyo. Really. 🤍 Di ako madalas magpost, dahil mas pinipili kong maging silent reader lang. And pasensya na mga momsh kung di ko na kayo mareplyan lahat but pls know that I love all your comments and kwento na shinare nyo sakin. 😘😌 Pero gusto ko lang din malaman nyo na happy naman ang married life ko. Happy kami as husband and wife kahit wala pang baby na dumdating. Wala akong problem sa hubby ko. Walang bisyo, walang alak, walang sigarilyo,barkada or tropa... very manageable. 🤟👌 I can really feel the love, care and acceptance nya sa mga “kakulangan” ko sa knya. Not even a single moment na nasumbatan nya ko, napamukhaan nya ko kung ano yung wala kami sa buhay namin na di ko maibigay bigay sa kanya hnggang ngayon. Meron akong isang post sa facebook na nabasa at talagang tumanim sya sa isip ko. Ang sabi don” Hindi mo mapipili ang magiging magulang mo, pero mapipili mo ang magiging tatay o nanay ng magiging anak mo”. And i believe everyone will agree na napakaganda nung message nun. At hindi lahat ng asawa or live in partner ay kaya tayong tnggapin sa kakulangan natin bilang isang partner sa buhay at lalo bilang isang babae. Kasi aminin natin, isang malaking factor ang pagkakaroon ng anak para maprove ng isang lalaki ang kanyang “pagkalalaki” at malaking factor din yan kung iwanan o ipagpalit tayo sa iba dahil posibleng hanapin nga naman nila sa iba yung makakapagkumpleto ng pagkalalaki nila, db? Pero hindi lahat ng lalake ganun. At ngpapasalamat ako hnggang ngyon sa Panginoon na hindi ganun ang mindset ng asawa ko. Di ko na sya kailangang bantayan 24/7 para lang maprove yung loyalty nya sakin at sa marriage namin. Kampante ako, mbiyayaan man kmi or hindi na talaga, nagtitiwala ako sa pgmamahal nya sakin. Pero sympre, hoping, praying, and waiting pa din kami for our little angel na dumating. Bonus na lang dumating si baby. Biggest blessing ko na si hubby. 💕💯👌#thankful #GratefulHeart #babydustsoon