Hello! Pahelp naman po. 1month 2weeks na baby ko at sa ngayon nahihirapan kami intindihin kung ano gusto nya. Lagi sya umiiyak at naghahanap ng dede kahit na kakaubos lang nya ng 4oz na breastmilk at nag latch pa sakin. Hirap sya patulugin kahit na antok na sya dede parin ang hanap. Sinayaw nadin pero iyak parin ng iyak, pinalitan na ng damit at diaper pero ganun parin. Ginawa na namin lahat pero ayaw parin nya tumigil umiyak at dede lang talaga hanap. Pano po ba ito? #pleasehelp #firsttimemom
Đọc thêmPaano magpadami ng breastmilk?
Kaka 1month lang ng baby ko at hindi ko alam kung enough ba yung nadedede nya. Before nagpapadede ko sya direct sakin at nakakapag pump din ako kaya nakakaipon ako ng gatas. Pero ngayon kapag nag papump ako wala na halos ako makuha na gatas. Mayat maya nadin ang iyak ni baby dahil gusto mag dede, pakiramdam ko hindi sapat yung naiinom nya sakin kaya lagi sya naghahanap ng dede. 3x din ako umiinom ng malunggay capsule pero ganun parin. Paano ba dumami ang gatas? #firsttimemom #pleasehelp #advicepls
Đọc thêmHello po! Share ko lang experience namin ni baby ko. April 15 nag paEr po kami kasi nahihilo ako at nagsusuka. Minonitor nila si baby gamit yung machine na naka belt sa tyan, nung una okay lang naman daw ang wala contractions so pwede pa daw kami umuwi and still stock parin sa 1cm kahit may primrose for 5days. Then napansin ng nurse na nagdadrop heart rate ni baby and hindi daw maganda yun kaya nag decide yung nakaduty na ObGyne na emergency CS na daw ako dahil baka cord loop or wala na tubig sa loob si baby. Super hindi ko inexpect na maCS ako dahil sabi ng OB ko sure na makakapag normal ako pero still nakadepende parin kay baby kung pano at kelan nya gusto lumabas. Elisse Jordyn 🥰 Via ECS April 15, 2023 38 weeks & 6days #firsttimemom
Đọc thêm38weeks & 5days today. May paninigas ng tyan, sakit sa balakang, pressure at kirot sa puson, feeling natatae minsan, nahihilo at nasusuka. Hindi ko po sure kung kelan kami pupunta sa hospital para mag pa admit. Last april 10 sabi ni OB 1cm daw po ako pero matigas daw kaya niresetahan nya ako ng primrose for 5days. May nagsabi sakin na may iba daw na hindi nakakaranas ng sakit pero 8cm na pala. Pashare naman po ng experience nyo and thoughts kasi di ko sure kung dapat naba kami mag pa admit or hindi. #firsttimemom #advicepls
Đọc thêmMga miie ask ko lang kung ano ibig sabihin kapag umihi ng matagal. Unusual kase yung ihi ko na huli kase ang tagal tapos medyo masakit sa una tapos yung tatayo na ako akala ko tapos na ihi ko pero meron pang tumutulo. May paminsang kirot din sa papets ko at puson ko. 33weeks ako ngaun kaya medyo kinakabahan ako kase baka water bag na yun.#firstbaby #firsttimemom #pleasehelp
Đọc thêm