Nakaraos na!
Hello po! Share ko lang experience namin ni baby ko. April 15 nag paEr po kami kasi nahihilo ako at nagsusuka. Minonitor nila si baby gamit yung machine na naka belt sa tyan, nung una okay lang naman daw ang wala contractions so pwede pa daw kami umuwi and still stock parin sa 1cm kahit may primrose for 5days. Then napansin ng nurse na nagdadrop heart rate ni baby and hindi daw maganda yun kaya nag decide yung nakaduty na ObGyne na emergency CS na daw ako dahil baka cord loop or wala na tubig sa loob si baby. Super hindi ko inexpect na maCS ako dahil sabi ng OB ko sure na makakapag normal ako pero still nakadepende parin kay baby kung pano at kelan nya gusto lumabas. Elisse Jordyn 🥰 Via ECS April 15, 2023 38 weeks & 6days #firsttimemom