Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
Baby temperature
Hi mommies, naranasan nyo po ba kay LO na mainit ang katawan pero normal naman body temperature? Tried 2 diff thermometer 36.7 and 36.8 naman body temp nya pero mainit po singaw ng katawan ni LO. Normal po ba to?
Formula Poop
Hi mommies! Pasintabi po sa picture. FTM and 3weeks PP. Exclusive pumping ako for 2 weeks to mixed feed then transition to pure formula na. Normal and regular poops ni LO sa breastmilk and mixed fed, ngayon pure formula na 3days bago sya naka poops pero nahirapan sya at medyo buo na poops. Normal po ba ito? 3x na po ganito poops nya, nahihirapan sya ilabas umiiyak rin sya. Napansin ko na dumugo rin pinag tanggalan ng pusod nya kaka ire.
2weeks pp - breastmilk to formula
Hi mommies! From pure breastmilk nag mixed feeding po ako tapos ngayon pure formula na. Regular poops ni LO everyday sa pure breastmilk and mixed. 24hrs na po sya naka formula pero walang poops, normal lang po ba yun?
2weeks pp - aircon for baby
Hi mommies! Sa mga naka aircon po pano po ginagawa nyo? Bukas po ba 24/7 or may oras lang po? For 2weeks naka 2 e-fan po ako, may aircon naman kaya lang window type na medyo maugong baka di comfy si baby sa ingay. Plan ko po sana gamitin pang lamig na lang ng room temp them mag e-fan. Kelan nyo po ginagamit aircon? Morning or night time po? Thankyou
Mucus plug or nah?
Hi mommies! Pasintabi sa photo, is this mucus plug na po ba or normal discharge? 37W4D here and ngayon lang po ako nagkaroon ng ganyang discharge sa pregnancy journey ko. As of now, medyo masakit rin puson ko at tumitigas ang tyan. Thankyou po sa sasagot!
37W4D - IE
Hi mommies! Kelan po ba ina-IE? Nirerequest po ba yan sa OB? Saktong 37weeks po last check up ko pero di po ako na-IE then sa ultrasound double cord coil si baby. Balik po ako sa monday or wed, 38weeks ko for check up uli. Rerequest ko po ba ma-IE na ko?
37W - Double cord coil
Hi mommies! FTM here. Sa mga may experience na po, possible pa rin po ba normal delivery kahit double cord coil? Normal weight and cephalic position na po si baby pero sa check up kanina yan nakita. Hindi pa rin po ako na-IE. As much as possible gusto ko sana normal delivery. Pag ganyan po ba for CS na?
36W3D - Rib Pain
Hi mommies! For the past week naranasan ko sumakit puson, balakang at kiffy. Nabasa ko na normal naman. Pero ngayon 2 or 3days na, rib pain naman. Sobrang uncomfy. Normal din po ba ito? Lalo pag nakahiga ako feeling ko nasa ribs ko sya. Pero nararamdaman ko rin ang sakit kahit naka upo at nakatayo. Wala ako mahanap na magandang pwesto para mawala yung pain. Naranasan nyo rin po ba ito? Ano po magandang gawin? June25 pa po sched ko uli ng check up sa OB. Or need ko pasched na po earlier?
34W5D - Pineapple juice method
May nakapag try din po dito ng pineapple juice + raspberry leaf tea + cranberry juice? If yes, what week po best gawin yan? Planning po sana mag start na baka lang mapaaga pag open ng cervix at labas ni baby.
34 weeks -
Hi mommies! At 34 weeks ano na ba ang common symptoms na nararamdaman nyo?