Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Household goddess of 1 superhero boy
Team December no more. Finally nakaraos na rin 🥰
Meet my Baby Nuri Edd via TransV: Dec 13, 2020 Edd via Pelvic utz: Dec 8, 2020 Dob: Nov 22, 2020 37 weeks 2.9 klo Normal Delivery Nov 20, 2020 7th bday ng First born ko we decided ng asawa ko na nov 21,2020 i celebrate para wala sya pasok. Nov 21, 2020 ng umaga sumama ako mamalengke sa asawa ko pra mkapg lakad lakad din ako, that time 36weeks and 6 days na ako never ako naglakad lakad dhil may previous pregnancy ako na npaaga ang pangnganak ko at di na survive n baby. So ayun na nga celebrate na nmin, pagdting ng gabi ung paninigas ng tyan ko is madalas na pero keri pa kasi kala ko braxton hicks lng dhil lgi ko na sya nraramdaman before and normal lng nman dw sbi ng ob ko, and ung upper part ng pempem ko is masakit na din pero inignore ko lng kasi happy happy lng kme dhil may mga bisita, 3am na ko natulog nun and ung asawa ko umiinom kasi may mga bisita pa. 4:30 am nagising ako na naninigas ung tyan ko and hindi n ako naktulog, pag umiihi ako lgi ko chinicheck kung may discharge pero wla pinakiramdaman ko muna ung paninigas nya and inorasan ko na. 5:30 am 10mins interval n ung paninigas and medyo msakit na sya pero keri ko pa, nag decide n ko tawagin ung aswa ko sabi ko punta kami ng lying in mag papa ie ako, wla pa ako dala n kahit ano malapit lng nmn ang lying in samin walking distance lng. Pagdting ko sa lying in nag prepare pa ung midwife kasi kggising lang quarter to 6am n nya ko n ie, and 4cm n ako pero mkapal pa dw ang cervix ko. Pina admit n ako then ung aswa ko kinuha n ung mga gamit. 6:15 am kakabitan na ako ng swero pra dun idaan ung mga gmot pero that time ung sakit is tuloy tuloy na, sabi ko sa midwife matatae na po ako, need pa po ba hintyin n pumutok panubigan ko tnong ko, sbi nung midwife ndi dw pero makapal pa dw ang cervix ko inhale exhale lng dw gwin ko, after nya ko sweruhan in ie na ulit ako and boom 10cm na and fully dilated na sumigaw na ung midwife na iready n ung delivery room, 7 am pinasok n ko sa delivery room and konting push lumabas na agd ang ulo ni baby si doc na humila kay baby pra malabas, baby's out at 7:16 am. Sobrang bilis ko dw nangank sbi ng midwife and natural labor daw ang na experience ko, di na dw umabot ung mga gmot n isasaksak skin dhil nangank na agd ako. Sobrang thankful ko kay baby at di nya ko pinahirapan, Sobrang laking tulong na kauspin palagi si baby un kasi lagi ko gingawa. Sa case ko Wla sa tagtag or inom ng khit ano pra lumabas si baby, kusa syang lalabas pag gusto na nila. Sobrang thankful din sa app na to, sa buong pregnancy journey ko dito ako kumukuha ng idea at mga sagot. Sa mga ka team December ko jan, gudluck po sa inyo, Have a safe delivery po. 😊
Philhealth
Hello po, Edd ko po is dec 13, 2020 magagamit ko pa rin po ba yung philhealth ko kahit late ko n mbyaran ung 1 year ? And mgkano po kya ang 1 year ng philhealth ? Salamat po sa sasagot.
Cellphone Radiation
Hi po mga ka mommy, ask ko lng kung totoo po b masama sa baby ung pagtutok ng cp sa may tyan ? Kasi ung tita ng aswa ko nakita ako knina na nag ccp at nagpapatugtog ng music sa may bandang puson going 30weeks na kasi ako and cephalic position na si baby pero sabi ni ob may tendency pa dw n umikot kaya lgi ako nagpptugtog s may bndang puson pra di na umikot si baby, tpos ayun nga nkita ako ng tita ng aswa ko knina and sinbihan nya ako na masama dw pra kay baby un dahil sa radiation, kasi before nung buntis sya advise dw ng ob nya na wag mag ccp n mlpit s may bndang tyan.
Mababa ang placenta
Hello po mga ka mommy, gling po ako sa ob ko ngayon im 20 weeks and 4 days, sabi ni ob mababa dw ang placenta ko meron po ba dito same case ko bukod po sa bawal makipag contact ano pa po dpat ang iwasan at pwedeng gawin pra tumaas sya ? Medyo worried po ako, last year kasi nanganak ako premature. Yoko na maulit. 😢 Please help me po.
sss matben
Hello mga ka mommy, sino po dto mrunong mag compute ng contribution sa sss, voluntary po ? Hulog po is 2,400 per mo, 3 mos po ung nhulugan april-june 2020. Mgkno po kya ma claim ? Edd po december 2020. Salamat po sana my mkatulong.
Ultrasound for sss mat1
Hello po mga ka mommy, sino po dito nag apply ng mat1 ? Anong ultrasound po bnigay nyo ? Kailangan po ba ung latest ultrasound ang ipasa or pwede na po ung hindi, last ultrasound ko is 9 weeks si baby, ngyon po 14 weeks na. Pwede po ba yun, or kailangan po ung bagong ultrasound ang ibigay? Salamat, sana may mkatulong.
Paninigas ng puson at 14 weeks
Hello po mga ka mommy, ask ko lng po may chance po ba na manigas ung puson pag pagod ? Kahapon po kasi naglaba ako at naglinis ng kwarto, nung gabi po nakahiga ako naramdaman ko ung puson ko na naninigas, di nman po sya matagal. Ngyon ko lng po sya na experience, medyo worried lng po ako.
Sss mat1
Hello po mga ka mommy, sino po dto nag apply ng mat1 thru online ? Gano po katagal na approved ung sa inyo ?
Sss Mat 1
Hello po mga ka mommy, ask ko lng kung meron po dito na nanganak lang last year tpos manganganak ulit this year, makakapg apply po ba kayo ako ng mat1? Ang binyaran ko last year is jan-june voluntary po edd ko is dec pero nanganak ako ng october premature baby and namatay din after 2days, ngyon po im 13weeks preggy and edd ko is dec 13, ang balk ko byaran is april-june2020, dahil pwede nman dw po atleast 3mos ang byaran. Di po ako mkpag inquire sa sss dhil sabi bwal dw po ang buntis. Sana may mkatulong dto.
Aloe vera soothing gel
Hi po mga ka mommy, ask ko lng po kung pwede ba sa tummy ung aloe vera soothing gel to prevent strech mark and to moisturize n din?