Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
Weaning breastmilk
Mommies, need ko po ng tips. Si baby po ay 1 year and 1 month na and balak ko na po sana siyang awatin sa breastmilk. Any suggestions naman po ng mga paraan. Sinubukan ko na po kasi one time. Buong araw ko siyang hindi pinadede pero pinakain ko naman po ng madami at may substitute milk din naman pero nung gabi na, ayaw niya matulog tapos umiyak ng sobrang lakas at tagal. First time niya pong naging ganun kaya hindi ko na matiis pinadede ko na din. Sana may paraan na smooth lang at hindi mahihirapan si baby. Thankyou po.
Feeding
Hi mommies, yung baby ko po is now 9 months old. Sinimulan ko siya pakainin when he turns 6 months tapos umiiyak siya lagi pag kainan na. Akala ko masasanay din siya kasi diba nga first time pa so pinabayaan ko lang but until now pag pinapakin ko lagi padin siyang umiiyak. Cerelac ang usual food niya, minsan naman mga veggies na dinurog, normal lang po ba na lagi siyang umiiyak pag pinapakain? Any thoughts naman po, nag aalala na din po kasi ako.
Sipon
Hi, turning 4 months na po baby ko. Ilang weeks na po kasi siya sinisipon, nagtry na po ako ng Neozep na pambata pero hindi naman nawala. Ano po kayang effective na pantagal sipon para kay baby? Thankyou po.
PHILHEALTH
Sino na po nakapag try ng Emergency Philhealth dito? share your experience naman po, HAHAHA!? anu-ano po ba ang mga requirements and steps to avail? Thankyouuuu?
MASSAGE
Hi mommies, pwede po bang magpamasahe ang buntis? Gusto ko po sana kaso natatakot ako dahil baka may hindi magandang epekto or bawal kay baby.?
Week 36 Day 1
Hi, ask ko lang po? Last month nung tinimbang ako ni OB 48kg lang ako, then kanina 53kg na. One month lang yung nagdaan, sabi nila lumaki daw bigla tummy ko. Normal po ba yun? Hindi ba makakasama samin ni baby kung masyado siyang malaki? Thankyou?
Leg Cramps
Hi, ask ko lang if is it normal to feel leg cramps every morning? napapadalas na kasi kaya medyo worried ako. Btw, I'm already 36 weeks pregnant for my first baby?