Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Stay-at-home Mom to a Precious Preemie Baby
7 months!
Nakaka excite. 12 weeks nalang. Malapit na. ??? Sino po dito Feb 2020 EDD carrying baby boy? Hehe. Feb 12 here. ✋ Kayanin natin ang tukso sa foods this Christmas and New Year, momshies. ?
Breast pump compatible to Philips Avent bottles
Hi! Share ko lang 'to, nakakatuwa at nakahanap ako ng breast pump na compatible sa Avent bottles ko. Ang mahal kasi ng Avent Manual Breast Pump e. Katumbas niya na yung newborn set ng bottles ko. Just in case naghahanap din kayo, ang cute nitong nabili ko sa Shopee. ? 330 pesos lang pero nabili ko siya ng 262 pesos dahil sa coins ko tsaka free shipping pa. ? Plan ko rin sana bumili dun ng breast pump na worth 150 something lang. Pero nag aalangan naman ako kasi baka madaling masira gaya ng sa comments. Pero ito, worth it naman kasi maganda siya and at the same time, compatible nga siya sa Avent bottles. Hehe. ???
25 WEEKS!
Hello po sa mga kasabayan ko! ? (Feb 12 EDD) Excited na ba? Hehehe. Stay healthy momshies! Dahan dahan lang sa foods this undas, Christmas and new year ha. Haha. Onting tiis nalang. ? God bless us.
Naglilihi
Hindi ako. Kung 'di si husband. Hahaha. Wala kasi among pinag lihian na food, hindi aki nag hahanap ng weirdong food sa madaling araw or anytime. Normal lang. Kung ano 'yung kailangan ko, 'yun ang hahanapin ko at kakainin ko. Pero 'yung husband ko. Hahaha. Naghahanap pa ng midnight snack. ? Wala man akong pinag lihian sa food, pero narealize ko, pinag lihian ko pala siguro husband ko. Ewan ko lang pero normal naman din sa'kin na lagi ko siyang gustong makita tsaka mayakap. So parang 'di rin malinaw sa'kin kung pinag lilihian ko siya. ?
Hello baby boy!
Proud na proud tayo sa gender natin baby ah. Hahaha. Team Feb here! ?
22 weeks
It's a boy! ? Nakakatuwa, nagpakita agad 'yung gender niya nung 21st week. 'di niya na ako pinahirapan. Bumuka siya agad. ? At napatunayan kong hindi totoo yung pag blooming, girl ang pinagbubuntis. Iba iba talaga tayong nag bubuntis. Ultrasound lang pinaniniwalaan ko. Hehe. Nag iisip nalang ako ng name niya. Pareho kasi kami ng name ng husband ko, Daryl 'yung kanya tapos Daryll sa'kin. So, maybe ang name ni baby boy eh, Darryll Dean. ? And baka may magtanong ulit regarding sa tyan ko, gumagamit ako ng coconut oil as moisturizer sa tyan ko day and night. Or anytime pag nasa bahay lang. Mas okay kasi ako na nag lalagay ng ganun bukod sa iwas stretch marks, e na ma -massage ko rin yung tyan ng onte. Hehe. Let's stay healthy mga momsh! Team Feb here! ?
Washable Cloth Diapers
Share ko lang 'tong binili ko sa Shopee recently. 'yung washable cloth diaper na sobrang laking tulong na maka less sa waste and specially sa gastos. Nakaka irita narin naman na kasi na tapon tayo ng tapon ng disposable diaper tapos bili pa ng bili. Bumili ako nito ng 7 pieces. Pero balak ko pang dagdagan soon just in case kulang. Kasi ito, magagamit na from newborn to 3 years old. And proven na rin na hindi siya nag li-leak talaga dahil sa double gusset niya and waterproof outer fabric. Madali lang din siyang hugasan. At hindi rin nakaka rashes kay baby dahil sa bamboo charcoal fabric inside. Depende nalang kung patatagalin niyo ng magdamag na suot ni baby. ? Nakakatuwa lang. Sana nakatulong ako sainyo na makatipid though, bibili parin ako ng disposable diapers pag may gala kami ni baby soon. ? Meron pang available nito sa shopee na walang prints at mas mura pa. Parang nasa mga 70 pesos per piece. Gusto ko lang talaga ng may print para cutie. Haha. Itong nabili ko. 143 pesos each. Tapos free shipping pa ngayon at may discounts pa pag marami binili. 20 weeks pregnant here. Road to being a minimalist tipid mom. ?? (Nasa photos po yung shop na nabilhan ko. Hinalughog ko na buong Shopee and Lazada. Mas mahal sa Lazada ng doble kumpara sa Shopee. Tsaka sa Shopee free shipping siya ngayon because of 10.10 kaya sinulit ko na talaga tsaka may discounts pa pag marami binili. Ito na talaga yung nahanap kong pinaka okay and at the same time. Murang mura.) ?
20 weeks and 2 days
Kalahati nalang. Excited na ako na kinakabahan. Hoping na maging normal ang delivery pero mas importante na healthy lang si baby kahit anong mangyari sa panganganak. Hehe. ? Gumagalaw si baby the moment na nag pipicture ako. Excited na rin siya. Sino pong February din ang due date? ?
Registry Checklist
Just sharing my registry checklist. ? Mahilig din ba kayo mag take down notes? Hehe. Mas prefer ko kasi lagi na sinusulat ko lahat kesa nililista sa phone. 'yung excitement ko sa pamimili ng mga gamit ni baby, nililista ko muna kasi bawal pa masyadong ma excite. ? 19 weeks and 2 days palang si baby sa tyan. ? First time mom here. ✋☺️
Moisturizer for Preggy Belly ?
18 weeks pregnant and so far ito 'yung paborito kong gawin. Pahiran ng coconut oil 'yung tyan ko day and night. ? Ginagamit ko 'to as moisturizer sa tyan ko pati narin sa underarm. Hehe. Nakakatulong din siya na mag prevent ng stretch marks kasi habang nag i stretch 'yung balat natin sa tyan, nananatiling soft ang skin. Ginagawa niyo rin ba 'to? ? (Nature's Coco 100% Pure Virgin Coconut Oil po ang gamit ko. Binili ko sa Watsons. 199 pesos.)