Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Dreaming of becoming a parent
bakuna
Mga mommies. Ilang ml ba dapat ng tempra sa 2months old na bata? Binakunahan kasi siya kanina. Nilalagnat po siya ngayun :(
BAKUNA
Np 2mos 4days baby girl Mga mamsh, unang vaccine palang niya ngayon then yan lang po tinurok. Yan lang ba talaga ituturok sakanila? Tsaka same lang ba DPT vaccine and PENTA?
Np 1mos 27days Mga mamsh, okay lang ba na malate mapabakunahan si baby? Mag 2mos na kasi siya this coming 15 pero wala padin siyang turok. Kapag kasi pupunta kong center laging walang doktor. Tapos sabi sakin kanina sa 19 daw meron. Okay lang kaya kahit late na? Last bakuna niya nung pinanganak ko siya. BCG hepa pa lang.
ON LABOR
2cm na. Active labor na. Sumasakit siya every 5mins. Grabe mas masakit pala talaga 'tong labor. Ano pong pwedeng gawin para tumaas yung cm? Pinababalik kasi kami. Balik daw kami kapag pumutok na panubigan ko or kapag di ko na kinakaya yung sakit. Pero grabe, ngayon palang parang di ko na kaya yung sakit huhu 40weeks ftm
LABOR NA BA 'TO?
Kaninang umaga pa sumasakit puson ko, pero hinahayaan ko lang. Tolerable pa naman yung sakit. Tapos naligo ako ngayon ngayon lang, pagtingin ko sa undies ko may discharge ako na parang sipon na may konting dugo. Ano kaya 'to mga mamsh? Due date ko na bukas via lmp. 39weeks and 6days ftm
EPO
Sa mga nagtake ng primrose, anong mas effective? Itetake sya orally or vaginally? 39weeks and 5days ftm
NO SIGN OF COMING OUT
Buti pa ibang team september nakaraos na. Ako waiting padin. 39weeks and 4days as of today. Malapit na due date ko no sign of labor padin. Inadmit ako kahapon kasi 1cm na ko, tsaka highblood daw ako. Pero nadischarge din agad kasi okay naman na results ng lab ko. Gusto ko na makaraos mga mamsh. Any tips naman po diyan! Super inip na.
RASPBERRY ZINGER TEA
Safe po ba ito para sa buntis? Nakakainduce po ba talaga 'to ng labor? 39weeks ftm
TEAM SEPTEMBER
Lakad sa umaga ng napakalayo Lakad sa hapon ng napakalayo Squat squat sa gabi Lampaso ng sahig Tanong ko lang mga mamsh, mababa na po ba? 38weeks na po ako as of today. Close cervix pa ko last check up ko, pero manipis na daw cervix ko. Gusto ko magkacm naaaaa... Konting kembot nalang mga team september diyan makakaraos din tayo. ?? EDD; September 9
OPEN CERVIX
Any tips naman po para mag open ang cervix? Close cervix pa daw ako pero malambot na cervix ko. #38weeks