Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Jibreel's Mom // Psychometrician.
NSD
Ask ko lang mga momsh, Ilang months po before mag stop bleeding niyo after giving birth? Normal delivery po ako. Kakapanganak ko lang po nung May 05. TIA :)
BPS ULTRASOUND
Mga momsh, pwede na kaya magpa BPS ultrasound @33weeks or too early pa ng konti? TIA.
PAMAMANAS
Mga momsh, totoo ba na pag namamanas sign na malapit na manganak? 32 weeks ako ngayon, namamanas kasi mga paa ko. Any tips na rin sana on how to lessen yung pamamanas. TIA ?
Hemorhoids
Mga mommy normal ba talaga sa buntis magka almoranas? Nagulat nalang kasi ako nung isang araw after ko dumumi kinabukasan kita ko may dugo sa panty ko galing sa pwet ko tapos kahapon may konting dugo ulit.. hanggang ngayon mahapdi pa rin sya, kinapa ko parang may laman konti na nakausli sa labas ng pwet ko.. May naka experience na po ba dito? Ano po ginawa niyo non? May cream po ba na pinapahid or ano? 28 weeks preggy ako. Sa 30 pa po kasi sched ko sa ob ko kasi. TIA sa makakasagot!!
KAPOS SA HINGA
Mga mommy, naranasan niyo na rin po ba na medyo kapos kayo sa hininga? Yung tipong pag nakahiga para kayong sinasakal? Tapos pag nakaupo medyo okay sa pakiramdam pero andun pa rin yung hirap huminga ng maayos.. Iniisip ko kasi baka dahil lang sa paglaki ni baby sa tummy kaya nasisiksik nya yung sa diaphragm ko. I'm 27 weeks 2 days preggy.
BABY'S KILO
Underweight po ba talaga yung 4.2kg sa 2 mos old na baby?
ANTI RABBIES VACCINE
Safe po ba mag pa anti rabbies kahit pregnant? Nakalmot kasi ako ng pusa,medyo malalim pero maliit lang. Saka di ko pa matanong sa ob ko since wala sya sched bukas sa clinic niya. Thanks po
MITTENS
Mga momsh, ilang buwan po lo niyo bago niyo tinanggalan ng mittens/footsocks? Thank you.
SSS MATBEN
Tanong ko lang po, 2018 po ako nakapag file ng sss voluntary din pero diko nahulugan eversince, tapos mag 6 months na ako preggy due date ko this coming June, pwede pa kaya ako makapag file ng Mat1 or kahit yung Mat2 kung hahabulin ko yung hulog ko kahit sa pinaka max contri starting this month? Thank you po sa sasagot.
BREASTMILK
Mga momshie, ask ko lang kung when kayo nag start mag gatas? I'm currently 21 weeks and 5days pregnant, and di po gaano nag increase yung size ng breast ko saka di pa ako nag gagatas, yung iba po kasing tinanungan ko nag start daw sila magkagatas nung ganitong week na daw po sakin. Thank you po sa sasagot. :)