#TeamJuly

#TeamJuly EDD: July 30, 2020 DOB: July 14, 2020 Weight: 3.3kgs Delivery via CS Been using this app since nalaman kong pregnant ako and very useful tong app na to lalo na saming mga FTM. 💙 Thank you The Asian Parent team and sa lahat ng mommies na willing sumagot sa mga tanong namin! 💙 Share ko lang po experience ko. 😊❤ July 13, check up pa namin. 37w closed cervix and no signs of labor pero anytime pwede na magpop kasi manipis na daw panubigan ko. 10pm nafeefeel ko na yung pain, inoobserve ko yung interval, nakakatawa pa ko so iniisip ko hindi pa to. Sabi kasi nila di ka na daw makakatawa pag naglalabor na. Pagihi ko, may blood. Nagpunta na agad kami sa lying in. PagIE sakin, closed cervix parin naman daw and nagspot lang kasi naIE ako earlier. Pinauwi kami. Paguwi namin nakaidlip pa ko. Then 2am biglang sumakit, inobserve ko ulit and inorasan. 2 mins nalang interval bawat pain. Di na ko mapakali, sobrang sakit na. Lakad lakad lang ako kasi di na talaga ko mapakali. Di na ko nakatulog the whole time. 7am bumalik kami sa lying in. PagIE sakin 6-7cm na daw. Laking relief samin. Pinahiga na ko and ipprepare na daw yung DR. Sinedate na ko and nilagyan ng dextrose. Inaantay ko nalang OB ko. PagIE sakin ng midwife, sabi nya bakit biglang nagfloat? Di ko naiintindihan kasi sobrang sakit parin ng tummy ko, naiiyak na ko sa sakit. Ang tagal dumating ng OB ko. Pagdating nya inIE ulit ako sabi nya 5cm nalang to. Nagtataka na ko bakit lumiit nanaman? Sumasakit parin sya ng sobra. Di na ko mapakali sa sakot hanggang sa naramdaman ko nalang pinutok na nya panubigan ko, sabay sabi na may meconium na or nadumi na si baby sa loob. Alam ko pag ganun delikado na kasi makakain na yun ni baby. Oorasan daw ako within 1 hr. Naramdaman ko nalang biglang umumbok yung tummy ko and sobrang sakit. Pag doppler kay baby 187 bmp na HB nya, narinig ko sabi ni dra. na pakitawag yung husband and sister. Alam ko mabilis na yung HB kasi hanggang 160 lang. Sobrang lutang narin ako nun, alam ko yung nangyayari naririnig ko sila pero di ako makareact basta alam ko lang sobrang sakit ng tummy ko. Trinansfer ako sa hospital, kinakausap nila ko pero utal yung words ko, nagmamadali narin sila. Pagpasok sakin sa OR sobrang antok na ko, may kumakausap parin sakin, biglang magtatanong naiintindihan ko naman and nakakasagot naman ako. Last na naalala ko nung nakacurve ako and may nakadagan sakin, alam ko na gagawin yung anesthesia sa spine, ineexpect ko na na sobrang sakit nun pero wala akong naramdaman and di narin ako makapiglas and kilos sa sobrang antok ko. Nakita ko na yung operating table na may mga ilaw and andun mga staff. Last na tanong ko "may oxygen po ba to? Nahihirapan akong huminga". Ang sagot sakin ng OB ko "meron yan". Inaantay ko na yung paghiwa kasi naririnig ko yung mga scalpel hanggang sa inaantok na siguro ako. Wala na kong maalala. Pagdilat ko na patay na yung ilaw ng operating table. Magisa nalang ako dun nakatali nanlalamig and nanginginig. Unang tanong agad sa isip ko "nasan baby ko"? "Bakit walang umiyak"? "Bakit wala akong naririnig na baby"? "Okay kaya baby ko"? "Nasan sya bakit hindi pinapakita sakin"? Hanggang sa dinala ko sa recovery room. Di ako makapagtanong, nanginginig lang ako. Nagiisip parin ako "nasan baby ko"? "Nasan asawa and ate ko"? Ilang oras na ganun hanggang sa nagcooldown ako, wala ng chills. Sabi nung nurse maam ito na po baby nyo baby boy nievera. Biglang nagiba mood ko, nawala yung mga tanong ko. Okay yung baby ko, malinis na and nakabalot na ng blanket. Ang kapal ng buhok, kamukha ng daddy nya. 💙 Sobrang sarap ng feeling ko. Thank you Lord okay yung baby namin. Thank you Lord nakaraos na. Thank you Lord okay kami pareho! 💙 Paglabas ko ng OR dun ko na nakita MIL and mama ko, asawa and ate ko. Napulupot na pala leeg ni baby sa pusod nya kaya pala nag 187 HB nya and buti naagapan and okay syang nailabas. Groggy ako ng 1 day, antok na antok ako. Puro tulog ako. Ginigising lang pag ichecheck yung BP and sasaksakan ng pain killer and antibiotic. Kinabukasan ang sakit pala nung tahi hahaha. Hirap na hirap akong kumilos. Di ako makabangon ng walang alalay ni hubby. Nakauwi na kami ni baby and nagpapagaling ng tahi. 💙 Salute to all moms na naggive birth via normal or CS. 💙 Hindi pala madali. Yung literal na pain, yung kaba, and takot para sa baby mo. Yung di mo na maiisip yung gastos, yung sarili mo, wala ka nang pake kung anong itsura mo basta okay yung baby mo. 💙 #TeamJuly kaya nyo yan! Pray lang! 💙

#TeamJuly
82 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Congrats po.. Mg kwento lang po ako ng sakin.. Ng monday po ng i.e po midwife ko 1cm at sabi nia si baby ng floating kaya niresetahan nia ako ngevening primerose ..isang banig binili ko nun at 39 weeks and 2days na ako pag uwi ko may dugo na lumabas na parang hibla.. Gabi2 sumasakit ang balakang ko at puson ko pero di masyado parang may menstrual cramps lang.. At kagbe pag katapos ko mg shower nakita ko sa underwear ko may prang puting sipon at may kasamang kunting dugo na medyo brown.. Kaya ng text ako sa midwife ko na kung pwde mg follow up cgeck ako.. Knina chicheck up nia ako pag ka i.e sakin 1cm pa din ako at closed pa daw cervix ko pero ksya si baby kung tutuusin sa pwerta ko sabi ni midwife.. Sabi nia balik ako sa 20 at mg bps ako para malaman kung naka pupu at kung gaano kadami ang tubig ko sa tiyan.. Bukas na ang due date ko july18.. Sabi nia kung ma cs ako san ako private ba daw o public.. Sabi ko di wala akong balak mg pa c.s gusto ko normal.. Kung normal at pumutok panubigan ko nid ko iinduce pero nid ko daw mg active labor.. Ginawa ko nmn lahat ng lakad2,akyat baba sa hagdan,diet,inum ng vitamins ko. Lhat ng bawal ginawa ko... Sana po ipag pray nio po kame ng baby ko na mging ok ang lahat at mg open na yung cervix ko para mailabas ko na si baby..

Đọc thêm
5y trước

Salamat po... Sana po maaraos na kame ni baby..

congrats momsh .. relate ako sa birth story mo .. we almost had the same experience .. I just dont imagine kung gaano katindi yung takot na naramdaman ko nung pagputok ng panubigan ko may poops na si baby and after 1hr walang progress still stocked at 5cm .. Nung sinabi ng OB na kelangan ako ilipat sa hospital kasi i CS na ako mas natakot ako pero kinalimutan ko yung takot ko para sa sarili ko at sa gastos kasi si baby iniisip ko kelangan maging safe sya .. takot talaga kasi ako ma CS .. Less than 20mins pag admit ko sa ospital nailabas na si baby pero na I.E muna ko bago ako turukan ng general anesthesia kaso stocked talaga sa 5cm .. Yun pala si baby nakatingala kaya ndi na sya makababa sumasabit na kasi mukha na nya ang nauuna ..

Đọc thêm

Congrats mamsh! Ako july 21 edd wala pa paramdam close cervix padn. Buti pwde madami kang kasama sa room or magbabantay? Ako kasi nasa abroad lip ko, only girl ako, mama ko senior hindi pinayagan magbantay sakin pag naadmit ako. Wala ako makakasama na malapit na pamilya ko, kinausap lang ng mama ko ung apo nya na nurse para sya magbantay sakin sa ospital pag nanganak ako. Parang ang hirap nun kasi di ko naman kaclose wala man lang magppalakas loob ko. 😔

Đọc thêm
Thành viên VIP

Mommy sabay tayo nanganak 😊 july 14 din si baby and Cs din ako. Kagaya mo floating lang si baby sa tummy ko 39weeks anssd 3days ako nun , tumataas din kasi bp ko nun and si baby nakacordcoil din. Nagdecide na si ob na magpacs ako kasi floating pa si baby and close cervix pa ako konti nalang din panubigan ko. Sobrang hirap ng CS. 😥 ang sakit ng tahi dika makakagalaw ng maayos . Tama ka dimo nadin iisipin magiging gastos basta safe lang si baby :)

Đọc thêm
5y trước

Bakit po kaya ganun noh? Di ko pa po natanong si OB ko kung bakit nagfloat and pasara yung cm ko. Congrats satin mommy! ❤37weeks lang po ako kaya medyo nagulat ako kasi ang bilis lang po ng pangyayari closed cervix pa po tapos after ilang hrs 7cm na hahaha

Thnx G.ligtas kau mommy,kya yan tlga iniisip ko ayuko sa lying In kc yan iniisip ko panu kapag ganyang sitwasyon at malayo ang hospital,kaya aDvance tlga ako mag isip..kya gusto ko sa hospital incase n ganyan,mbilis nlang ma Cs.

Thành viên VIP

Congrats momsh! Same tayo emergency CS due to meconium stain . Thank God we are all safe. ❤️ Pasalamat din tayo sa mga OB natin na inalagaan talaga tayo at di pinabayaan. ❤️

5y trước

Salamat momsh! 💙 Congrats satin! 💙 Super thank you Lord talaga safe tayo nila baby! 💙

Hi Mommy same here na CS ako,dahil sa mga circumstances na mag in danger kay baby... oo sobrang sakit ng pain pero everytime makita mo si baby all worth

5y trước

Yes po mommy. Kahit ang hirap kumilos ang saya pag naririnig mo nang umiiyak sya and okay syang nakalabas. ❤

Grabi naman pala mommy yung naranasan nyo po, Congratulations po mommy dahil naka survive na po kayo.. Ako po 12 weeks palang po yung Tummy ko

Thành viên VIP

Congrats momi😊 same tayo ng experience sa panganay ko pumulopot ndin pusod nya sa leeg nya. Pero sa awa ng diyos na normal ko siya😊

5y trước

Salamat po! 💙 Malaki din po kasi si baby and maliit lang po ako. 😅

Feel you mommy. Hehe I just gave birth last July 15🥰 cs din po. Godbless us always mommy🤗😇