Teen mom TINATAGO
turning 19 and 31 weeks pregnant alam na ng mama ko at ng mga ate ko but the problem is ayaw nila ipaalam sa papa ko kase mapapatay daw nya yung Bf ko sabe ni mama if malaman yun ni papa so nag bebedspace ako ngayin tinatago nila. May mga times na gusto ko nalang malaman ng papa ko kase baka mas magalit sya pag nalaman na pinag taguan sya may mga times naman na wag nalang muna ano ba ang dapat kong gawin :((
Alam mo sis same tayo, 24 na ako kakagraduate lang at nabuntis. Tulad ko takot na takot din ako sa papa ko. Unang nakaalam is mama ko at ate ko tinago rin naman yun pero kasi lumalaki na yung tiyan ko at sa kakaisip ko gabi gabi kung paano sasabihin sa papa ko naglakas loob na lang ako nung 3months na tiyan ko ayun hanggang ngayon 8 months na tiyan ko hindi nya pa rin matanggap at ayaw nya rin sa boyfriend ko lagi nya sinasabi baka mapatay nya lang din pero nilakasan namin loob namin at kinakaya kasi mahirap kapag may dinadamdam ka, laging malungkot kawawa si baby sya ang nagsuauffer kapag nadedepressed tayo. Sabihin mo na lang sa papa mo tanggap nya man o hindi pansamantala lang naman ganun talaga ang mga tatay natin, sa huli anak at apo nya pa rin yan nawalan ka pa nang iniisip lagi. Tapangan nyo lang din. Btw, swerte na rin ako aa boyfriend ko tanggap ng pamilya nya kaya dito na ako pinatira since di matanggap ng papa ko. Kaya natin to sis! Good luck sa inyo ni baby.
Đọc thêmMas better kung sasabihin mo sa papa mo 😊 ganyan din ako before, natatakot ako sabihin nung buntis ako sa first baby namin kasi akala ko magagalit papa ko at papalayasin ako sa bahay namin since sobrang strict ng papa ko. Pero nung sinabi ko na skanya na buntis ako, tuwang tuwa sya tapos napaluha sya sa sobrang saya 😊 maeenjoy nya pa daw makipaglaro sa magiging apo nya 😅 tinanong pa nya kung alam na daw ba ng mama ko, and i said yes. Sya pa nagbigay ng pambili ng mga gamit ng apo nya kasi mas excited pa sya sakin hahaha mas masarap kasi magbuntis kapag alam ng buong pamilya mo mommy at wala kang pinagtataguan. Parents mo naman yan e, yan ang number one na makakaintindi sayo 😊 trust me 👍
Đọc thêmpag nalaman ng dad mo n kasabwat mo p mom at ate mo mas magagalit tlga siya sa inyo ng bongga. mas ok kung isama mo bf mo at mag sabi n lang kayo sa kanya kesa ganyan. iisipin nun pinag lololoko niyo siya maging dahilan p ng mas malaking gulo.. harapin niyo po yung consequence ng ginawa niyo ni bf. ska para magabayan kayo ng maayos at mapag usapan ano n b plano niyo. kung totoong lalaki ung nkabuntis sayo haharap siya sa papa mo kahit masaktan pa siya. at intindihin mo din situation ng papa mo khit sakin mangyari yun gyera din aabutin ng nakabuntis sa anak ko. pero at the end anak ko pa rin yun.. kaya d ako papayag n maapi at hayaan lng nakabuntis sa knya.
Đọc thêmPara sakin mas maigi na sabihin mo na kay papa mo kasi matatanggap pa nya yung sitwasyon mo, understood na may takot si mama mo but kailangan mo pa din ipaalam kay papa mo, kasi mas masakit para kay papa mo na itinago mo sa kanya ang pagbubuntis mo. Ang baby ay blessing, hindi lang for you, para kay mama and papa mo din. Best thing to do talaga is aminin kay papa mo but make sure na maayos ang pag-uusap. Mahirap magsisi sa huli na bakit hindi ko sinabi sa papa ko. Mahal ka ni papa mo kaya yung galit normal lang yun but eventually makakalimutan nya yun pagdating ng apo nya. Pray ka lang din kung ano sa tingin mo ang mas mabuti.
Đọc thêmHi, 20 ako ngayon kaka graduate ko lang Nag wowork nako as HR staff nag uumpisa palang ako sa Career tapos nalaman ko Buntis ako sobrang na stress ako kasi ma dissapoint ko Parents ko kasi malaki expextation nila sakin, umabot ng 3Months di ko pa nasasabi natago ko pa Pero nakita ni mama yung Checkup Book ko tapos ayun Sinabi kona, Una nagalit sila Pero natanggap din nila, Parents padin daw sila Mas nagalit sila kasi diko sinabi agad, Kaya advice ko lang na Sabihin mona kasi matatnggap at matatanggap nila yun dahil Apo nila yang dinadala mo 🥰 Pray lang
Đọc thêmLahat ng parents disappointed naman kapag nabuntis ng hindi pa kasal. Di naman po sa nagyayabang pero ako nga 25 years old, may stable job, may mga naipundar na (business, car, at bahay) pero yung galit ng parents ko nung nabuntis ako daig ko pa mga nabuntis ng teenager. Pero ngayon sila mismo nagkukusa na bilhin mga needs ni baby. Very lucky po ako to have parents like them. Point ko po, sabihin nyo na. Either way magagalit naman eh. So ngayon palang sabihin nyo na. Anak ka pa rin ni father mo. He will get mad pero tatanggapin ka pa rin nya.
Đọc thêmHala momshie di naman sguro magagawa ng papa mo yan tsaka kilala mo naman for sure papa mo malaki na tsan mo nyan at konsensya nalang ng papa mo kung saktan ka nya. Bilang buntis parang ang hirap ng magtago lalo na sa magulang mo. for sure matatanggap yan ng papa mo pero choice mo naman yan momshie kung gusto mo din para di ka mastress pagka panganak mo na sabhin pero for sure sobrang magagalit papa mo nyan sayo
Đọc thêmWag ka matakot sis. Tiwala ka lang kay lord. God has a plan for you. Magsabi ka sa papa mo. Kase in the end sila ang tutulong sayo. At papa mo yan tatanggapin ka nyan. Salita lang nya yung papatayin kamo bf mo. Pero pag nasabi mo na wala na yan marerealized nya din na blessing yan at apo nya yan ❤
Mas maganda ng malaman ng maaga ng papa mo mas lalong magagalit pag nililihim. Ganyan din ako pero di ko na inisip kung masasaktan ako ng papa ko atleast wala na akong tinatago at para gumaan na din ang loob ko. Sa una Lang hindi nila matatanggap pero habang tumatagal matatanggap din nila Yan.
Aq nga nun 17 pero ang dad q asa abroad kaya ung lolo q ang galit na galit tnangka nya qng sapakin pero ndi tumama skin or tlgang prang inambahan nya lang aq kc napakabata q pa at aq ung tipo na tahimik lang pero naging ok din nmn ang lahat at masayang masaya pa cla sa baby q🙏🏻😊