For check up lang sana pero manganganak na pala

Want to share my story nmn para sa inyo 🤗Hello mommies! Nakaraos na din sa wakas! ❤️ EDD : Jan.11,2021 BIRTHDATE : Dec.20,2020 Weight : 6.5lbs Normal Delivery / 37weeks ---------- Follow up check up lang sana ako then e ie ako ni OB , Gulat sya na 5cm na daw ako saka tanong nya kung may nararamdaman na ba akong contractions, I said wala nmn po , and mag isa lang po ako ngpacheck up wala akong kasama HAHAHA sabi nurses tatag ko daw kasi nakaya ko. So di nako pinauwi ni OB , Induced Labor po ginawa sakin,11am ako admit then 12:44pm naipanganak ko na sya. I am a first time mom and masasabi ko tlaga na matatag tayo mga babae kasi hindi madali manganakto be honest. But worth ang pain nung lumabas na si baby. Sakit lang nung tahi HAHAHAHA ❤️ CONGRATS SA MGA SOON TO BE MOMMIES! NAKAYA KO MAKAKAYA NYO RIN ! BY GODS GRACE MAGTATAGUMPAY DIN KAYO KATULAD KO ❤️

For check up lang sana pero manganganak na pala
172 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sa mga nagtatanong po kung ano ginawa q bakit nging 5cm ako agad. Mga Mommies di ko rin po alam HAHA , siguro tadtad sa trabaho po, kasi hanggang 8months ngttrabaho pa po ako , Then nung nag 9months na ko di nako pumasok sa work and every morning lakad na po ako 30mins. , Ung nilalakad ko po paakyat na daanan HAHAHA nakakahingal po sya sa totoo lang saka nakakangalay sa hita. Yun lng nmn ginawa ko mga momsh. ------ Sa mga nagtanong po kung ano ung induced labor nung una di ko rin sya alam kung ano po un HAHA pero alam ko na nung tinurok na sa swero ko. Nung una nkkipag usap saka nkkitawa pako sa nurses HAHAHA after 30mins ansakit sakit na sabay ire napapalo ko na nga hita ko sa sakit saka mangiyakngiyak 😂, kasi sabi pag masakit iire daw e saka wag daw umiyak focus daw sa ire. Kaya ginawa ko nmn . Mabilis lang po, magaling si ob saka mga katulong nya mag encourage sa panganganak ko ❤️ WISH U ALL THE BEST MOMMIES AND GOODLUCK! GODBLESS YOU ALL! ❤️ Ps. Ok na kami ngaun ni baby, Tahi ko nlng po hindi 😂😂😂😂

Đọc thêm