...

Share ko lang wala na kasi akong mapaglabasan, simula nung feb nakipag break ako sa father ng baby ko, di ko pa alam na buntis ako nun pero may mga signed na nacucurious ako kaya nag pt ako,. Nung nalaman ko na preggy ako sinabi ko agad sa ex bf ko ,, di ko alam kung anong mararamdaman ko ,. Nung malaman kong gusto nyang ipalaglag yung anak namin ,, sobrang sakit nun para sakin kahit na nung una palang tinggap ko na yung anak nya kahit di sakin nanggaling pero yung anak namin wala syang pakeelam ,, Im 20 years old independent woman minsan nga ako na gumagastos kapag wala syang pera kasi alam kong may anak na sya ,, sobrang sakit ngayong simula nung nalaman kung buntis ako hanggang ngayon 32 weekS na yung baby ko di manlang sya nagparamdam kahit ni isang sorry wala kong narinig sa kanya ,, hindi ko alam kung bakit ganun sya normal lang ba sa mga lalaki yung ganun? ?tapos kapag iniistalk ko yung account nya ni walang bahid ng kahit katiting na konsensya .. Hindi ko alam kung pano makakamove on, ginagawa ko na lahat para malibang pero dumadating parin yung time na pumapasok sya sa isip ko,.,, sobrang hirap maging strong sa paningin ng taong nakapaligid sau,, akala nila strong ka,,sobrang hirap ng walang napagsabihan ?

46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Just pray every night. 🙏 Cliché man pero talk to God. Lahat din ng kinukwento mo dito mamsh, kay God mo sabihin. Lahat ng worries mo, sadness, hurt sakanya mo ibigay or sabihin. You'll see, you'll know one day magaan na loob mo. I haven't experienced being cheated on while I'm pregnant but I have experienced all the pain in the world. Believe me. I have lost three important persons (mom, dad and loved one) in my life. One day paggising ko, bigyan niya ako ng baby kapalit ng tatlong importanteng tao sa buhay ko. Ganon nag return si God ng blessings. Kaya mo yan mamsh! ♥️Lahat ng problema malalampasan mo. As of now, focus on your baby, mas kailangan ka ng baby mo, more than kailangan mo yung lalakeng nanloko sayo.

Đọc thêm

Hays momshie, sakin naman alam ng parents ko na buntis ako pero di nila alam na niloloko ako ng bf ko gusto ko sabihin sa magulang ko kaso natatakot ako parents ko ang gumagastos sa pangangailangan ko dahil pareho kami ng bf ko na nag aaral pa, ni isang tulong wala akk natanggap sknila pero di ko un ininda kasi alam ko na kahit wala sila ay kaya ko naman ang sarili ko dahil may taong nandyan para satin at u ang magulang natin. Kung niloko ka man hayaan mo lang sya kasi dadating ang araw na sknya din yan mangyayari :)) mas okay na sya ang nang iwan kesa ikaw ang nangiwan at nag loko, at least hindi ka gumawa ng kaslanan. God bless you wag mo na din isipin ung lalaking ganun. :)

Đọc thêm

Share ko lang din sayo mamshie. Nung nalaman ng ex ko na buntis ako Ni miski konting konsensya wala. nung january nalaman ko buntis din gf niya. And as of now, i saw him yesterday with other girl. kung alam mo sa sarili mo na Walang wala ka maaasahan sa tao na yan or keshu mahal mo lang kaya nahihirapan ka. MAG MOVE ON KA NALANG. Kasi yung stress na nararamdaman mo makakaapekto sa anak mo yan which is naramdaman ng baby ko ngayon. So payong mamshie lang. I LET GO MO YUNG MGA TOXIC SA BUHAY NIYONG MAG INA. MAS OKAY MAGING MASAYA. HAYAAN MO SILANG UMALIS. be strong. Single mom man tayo Strong lang. Sila yung may sinayang at hindi Tayo❤

Đọc thêm

Alam mo gawin mo inspirasyon ying anak mo, since tama ug desisyun mo na tinanggap mo siya kahit di siya tanggap ng sana ay ama niya. Pero hayaan mo pag dating ng bata baka ni kayiting din dimo na maisip na may ama pa ang anak mo dahil alam mo sa sarili mo kahit ikaw lang kontento kana para sa anak mo. Dimo kailangan ng toxic sa buhay mo. Lalong di mo kailangan ng taong kayang pumatay lalo na ng batang naguumpisa palang mabuhay. Prayers for the both of you! God will bless you more than enough! Just keep on prayi g and trusting him everything will be fine.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sa umpisa lang yan mahirap mamsh. Isipin mo nlng ung baby mo. Ganyan dn ako sa una kong anak. Halos gabi gabi nalang ako naiyak. Pero after 5months naisip ko ma istop na para sa baby ko. Ngayon lumaki pa syang maayos at healthy. Isipin mo anak mo mommy. Makakaapekto kasi sa growth and development ng baby ung sama ng loob eh. Ayaw mo naman sigurong may maging problema sa anak mo dba. Mas madami pa dn magmamahal sa anak mo at susuporta sayo. Andyan pamilya mo. At wag mo kakalimutan magdasal.

Đọc thêm

Gaya nga ng sinabi mo na independent woman ka.. kaya panindigan mo.. kung wala kang makakausap.. kausapin mo c baby mo at si Lord.. sure akong naririnig nila yan.. isipin mo palagi na kaya mo yan at matibay ka.. kasi kng iisipin mong nalulungkot ka o kawawa ka.. mas lalo kang malulugmok. Ok lng umiyak.. basta pagkatapos.. punasan mo ang luha mo.. himasin mo si baby at eassure mo sya na magiging ok din ang lahat.. pray.. believe.. have faith.. be strong!

Đọc thêm

Huuuuuugs, shhhhhh. Its okay sis, Move on kana dba ikaw nakipagbreak hayaan muna sya kung di nya kayang tanggapin ang anak nyo karma nya na yun ang importante di ka nakinig sa kanya binuhay mo ang baby yun ang pinakaimportante sa lahat. So ngayon all you need is protect your baby sa taong yun. Not now but soon may taong gagawa gaya ng ginawa mo sa ex mo. Yung tatanggapin ka kahit may baby kana. Cheer up sis, wag kang pakastress. Godbless

Đọc thêm

You're asking kung normal ginagawa ng ex mo ? Syempre hindi sis ! Sino ba nmang normal na lalaki ang gusto ipalaglag ying anak nya dba ..! . You did the right decision para sainyo ng anak mo na humiwalay sa tatay nya ..iba nga jan hirap magka anak eh tapos sya gusto nya mawala anak nyo .. siraulong yan! Kagigil .. As for you momsh just keep on praying para sainyo both ni baby mo ..stay strong kaya mo yan ! Godbless you

Đọc thêm

kaya niyo po yan😊.ganyan din papa nang anak ko.now we are ex nlang.siya nagpapasarap sa mga babae niya pero ako nabuntis niya kaya niyang tiisin baby nmin n wag kamustahin or magparamdam man lang..msakit at mhirap iwasan pero kinakaya ko para sa anak ko.31weeks napo ako.parents ko nlang nagbibigay lakas sakin at anak ko.pray Lang po😊 malalampasan din natin lahat nang pagsubok sa buhay po😊

Đọc thêm
4y trước

paano mo po hinarap ung mga taong nagtatanong kung saan ang tatay lalo na ung mga tsismosang kapitbahay?☹️

Daming walang kwentang lalake. Yaan mo na sya. Nako di saken kawalan kapag ganan un lalake. Papakatanga ka at nasasaktan ka samantalang sya ang ayos ng tulog sa gabe. Gawin mo yang stepping stone para mas magsikap at isa pa may inspirasyon kana, yung magiging anak mo. Tas maging lesson na den sayo na wag umulit na magkarelasyon nan ganan na lalake. Much better kilalanin muna mabuti.

Đọc thêm