off topic
hi, I just want to share po my situation with the father of my baby. I am now 20 weeks pregnant. Nung first time na nalaman kong buntis ako, nalaman ko rin na dati na palang kasal sa iba yung partner ko which is the father of my baby. Ang sakit. SOBRA. Sabi ko sa kanya, bakit hindi nya agad sinabi sa akin nung una pa lang. Natatakot daw sya na iwan ko sya. I dont know kung mangyayari. Siguro? pero nung umiiyak na ako sa harap nya. Nakita ko rin kung gano kasakit sa kanya na makitang nasasaktan ako. Ang hirap. Alam kong hindi lang ako ang may situation na ganito. Pero bandang huli, tinanggap ko pa din sya. Matagal na silang hiwalay ng dati nyang asawa bago pa man kami magkakilala, hindi nga lang legal ang paghihiwalay nila. May anak sila, nabuntis nya yung babae ng hindi nya alam. kaya sila ipinakasal nung magulang ng babae. everytime na maiisip kong wala akong karapatan sa kanya. Ang SAKIT SAKIT. kahit pa lagi nyang sinasabi na hindi nya ako iiwan. Ramdam ko naman eh. na totoo yun. Kaso, kulang talaga. Sa ngayon, pinaghihiwalay muna kami ng papa ko. Nung sinabi yun ni Papa ko, umiyak sya sa harapan ng magulang ko. Alam kong sobrang sakit nun para sa kanya. Knowing na pinalayas sya ng magulang ng dati nyang asawa kaya hindi nya nakakasama yung una nyang anak. tapos ngayon, parang mauulit yung nangyari. Sinabi pa nya sa akin noon, PAANO NA LANG AKO PAG WALA KA NA? Pero para kay baby, nagpapakatatag kami. Magtitiis kami kahit gaano kasakit. Hanggang sa maging legal yung pagasasama namin. Sana, dumating yung panahon na maging maayos na ang lahat sa kanya. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Nakita yun ng magulang ko. Kaso lang talaga, hindi kami pwedeng masama.