Child support or Mental Health?
Hi mamsh, medyo mahaba haba to. Sana may makabasa at mabigyan ako ng advice dahil gulong gulo na din ako and hindi ko na alam gagawin ko 🥺 Stuck ako between karapatan ng anak ko o ang aking mental health. Simula kasi nung buntis ako, wala nakami ng tatay ng anak ko. Nagbuntis ako mag isa and ako lahat gumastos sa mga needs namin ni baby simula nung nalaman ko na buntis ako, even sa mga gamit ni baby halos ako ang bumili kasi never nagkusa yung tatay ng anak ko na magbigay ng suporta. Nung nanganak ako kinausap ko pa sya na baka pwede 50/50 kami sa gastusin sa hospital kasi di ko na afford yung babayaran sa hospital dahil limas na limas na ako. Nagbigay naman kalahati ng bills ng hospital. 21 days na simula nanganak ako and isang beses lang nya dinalaw anak namin. Ako dahil may post partum ako lagi ako naiinis sakanya kasi kahit andito na anak namin wala pa din syang pakelam kagaya pa din sya nung pinagbubuntis ko anak namin. Wala din syang kusa magbigay ng sustento, i mean di nya inoopen pero nag bibigay naman ng diaper mismo hindi cash. I mean diaper lang? Hindi naman diaper lang ang kailangan ng anak ko. Kinausap ko na sya about sustento willing naman daw sya magpaka tatay sa anak ko pero sustentohan nya daw pero hangga ngayon di nya pa din ako kinakausap about dyan. Inacknowledge naman nya anak ko and sakanya ko pina apelyido kasi ayaw ko nga lumaki ng walang daddy anak ko, pero netong nakaraan araw nag usap kami and andaming nyang nasabi na sobra akong nasaktan. Di ko na alam kung ano susundin ko, karapatan ba ng anak ko o yung mental health at inner peace ko? Sobrang mental abuse na ang nadulot nya saakin. Sana po ma advisan nyo ako kung ano dapat kung gawin. Kasi naaawa din ako sa anak ko kung lalaki syang walang daddy. Pero paano naman ako? Ang haba na ng tiniis ko until now. Di ko na po alam gagawin ko sobra napo akong nasasaktan, sana tulungan ako ng panginoon kung ano dapat kong gawin 😭🙏🏻#advicepls #pleasehelp