39 weeks today!!!
Sabi nila baby knows best daw talaga kung kailan sila lalabas. FTM here and due ko is Sep 17 pero hindi talaga maiwasang mapraning kaka isip kailan siya lalabas. Masakit na puson ko at palagi ng naninigas tyan ko. Hindi na rin masyadong malikot si baby. Humihilab hilab tiyan ko pero nawawala din kaya di ko masabing labor na talaga yon. Tagtag naman ako sa gawaing bahay at hanggang ngayon nga eh naglalaba parin ako, mga mommies, anyone here malapit na sa due? Hehehehehwh
same tayu mamsh... 39w&3d na ako today ... sumasakit puson Minsan pag nag lakad-lakad, may white discharge na Rin pro di ganun ka Rami, paninigas ng tyan, may hilab na Rin Minsan tsaka hirap na makatulog ng maayos ... Yan palng po Ang mga nararanasan ko sa Ngayon.. di pa talaga labor... di ko Rin maiwasang isipin kng kailan lalabas c bby ng makaraos na... 15 edd ko kaya nababahala Rin ako Minsan .. pro hintay² nalng tayu mga mamsh makakaraos din tayu😇🙏 good luck sa atin🥰
Đọc thêmSame po 39 weeks today. Kaka IE lang knina 2 weeks nako stuck sa 1cm. EDD ko Sept. 18 and lagi masakit puson at parang maga ang pwerta sabi ni OB ko kanina mababa na kasi si baby pero 1 cm padin. Gusto ko na makaraos kaso sobrang sakit naman ng puson ko pag naglalakad ako. Puro ako zumba at squatting tapos 5 days nako nag iinsert ng primrose sa gabi. Goodluck po satin! 2nd baby ko na po pala ito. First baby ko lumabas ng saktong 40 weeks. Pray lang po! 🙏🥰
Đọc thêmNakaraos na po mi nung 14 hehe. Wait nyo nlng po si baby magdedecide tlga kung kailan sya lalabas kung normal nman utz no need to worry. Lalabas at lalabas po siya. 😊🙏
same po. Sept 5 due ko sa lmp pero ang sinusunod sa lying in ko ay yung first utz ko which is Sept 13. wala pang sign ng labor kahit anong pananakit wala pa. walking every morning, taking primrose 3x a day at active din sa gawain sa bahay. sabi nila ganon daw talaga pag nanganganay, mejo nadedelay. pero nakakaworry din kasi. ayoko ma cs, sana makaraos na tayo.
Đọc thêmSame po tayo mamsh! 38 weeks naman ako.. tumigil na ako sa mga home redemies para eka maglabor.. kung kelan tlaga gusto ni baby lumabas siya lang nakakaalam.. pero gabe gabe ng masakit puson ko at likod panay labas na din ng white discharge sken...September 19 naman due ko..
same mi haha 38weeks and 4days na ko today. EDD ko is Sept 24. 3days ng sumasakit puson ko pero katagalan nawawala naman. hindi pa sya tuloy tuloy kaya di pa ko napuntang hosp kasi baka pauwiin lang din pag wala pa sa 5cm
Totoo mamsh! Sila pang talaga nakakaalam when sila lalabas.. Nakaraos na po ako Nung September 12 lang.. Ang bilis tumaas ng cm ko nagtulog lang ako habang may contractions, kinagabihan 8cm na ako.. 20mins lang naire😂 Pahinga is the key mga Mamsh..
Hi mga mie same edd sept 28, worried po ako knina kasi nanghilab buong tiyan ko bigla ako naghina din at nasusuka, kaya napunta ako sa ER, in ie ako wla p nman daw ngrereadyplng daw na lumambot qng cervix ko.38 weeks po ako today
same here 38 weeks and 4days magalaw p din c baby subra at minsan nasakit lang din tiyan ko pero wala p ding discharge...kinabahan na ako kahit pang 2 baby ko na ito panu kc 17yrs old na eldest ko
Same tau mii..38weeks na pero no sign of labor parin..minsan tumitigas ang tyan.sumasakit ang likod .pero nawawala rin..Hoping na mkaraos ng safe lahat ng team september☺️
Hello Momshiesss, 38 weeks ako, Sept 30 ang EDD. May appointment ako today kay OB. God bless and stay safe sa ating lahat. Sana lahat ng mommies dito successful ang delivery! cheers.
same tayo 39 weeks today. sept 17 din edd ko. wla pa din nararamdaman na contraction. sna lumabas na si baby hanggang sat kc pag hindi pa. induce labor n daw ako.
sumasakit n tyan ko kso hindi pa tuloi tuloi. sna mkaraos na tayo. para ndi na ma overdue