Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Got a bun in the oven
G6PD baby Green Poop
Hello po mga mommies, ask ko lang po may g6pd def kasi yung LO ko, 2 months na sya kaya ang gatas namin ay S26 kasi bawal ang soya sa kanya or milk na may mga soya. And today lang, nakita ko na dark green ang poop nya. Normal po ba ito or dapat akong mabahala? Thank you
Cystic Fibrosis result is 75 which is 2 points above the normal value
Hi mga momsh, nasstress ako sobra at bilang first time mom, super worried ako everytime nakakarinig ako ng mga findings ng doctor kay baby na para bang negative or urgent agad or else delikado agad. Tylad nitong ENBS result na may g6pd yung baby ko at outside normal ang findings sa cystic fibrosis nya. Di ko alam anong mafefeel. Ayoko lang talaga maospital ang baby ko. She is too fragile at naiiyak ako kapag sinusugatan or iniinjectionan sya. Please help, i need advice. Sino dito nagpa ENBS na at ano ang result nyo mga momsh? 🥺
WALA PA AKONG BREAST MILK
Hi mommies, suggestion naman paano maenrich ang breastmilk. Third day ni baby ngayom at naka enfamilk pa kami. Wala pa akong gatas sa dede. Nagtatry pp ako mag skin to skin contact kami at marunong naman si baby mag latch. Nagwoworry lang ako kasi parang walamg gatas na lumalabas. CS po ako
NAKARAOS NA DIN SA WAKAS!
Hi mga mommies! Na Emergency CS na ako kahapon, at lumabas na ang baby ko, she's 2.7kls. Salamat sa lahat ng nagcomment at nagbigay ng payo. God's speed!
Pumutok na ba ang panubigan?
Hi mga mommies, im a first time mom. Help naman please, i woke up this morning around 4am, kasi biglang may bumulwak na water sakin. Nag rush ako sa cr, no blood naman, pero wet talaga yung shorts and undies ko. Di sya ihi kasi walang amoy. Amniotic fluid na ba yun? Di ko alam kung pupunta na ba ako sa ospital or not, umuulan din kasi huhu 😔
Mixed Emotions 🥺
Hi mga mommies, first time mommy ako. I'm 26, at sobrang kinakabahan ako kasi kabuwanan ko na this month. Sobrang praning ako kung makakasurvive ba ako sa normal delivery. Tanong ako ng tanong sa husband ko kung ano ang gagawin nya just in case, di ako makasurvive pero buhay ang baby. Madami kasi akong nababasa sa fb recently na nanganak at namatay din after magdeliver. Alam ko, kinakabahan din sya, pero pilit nyang kumalma at bigyan ako ng direktang sagot as if nothing para di ako magworry sa kanya. Naiiyak ako, nasstress kakaisip. Ako lang ba ang ganito or kayo din? Bigyan nyo ako ng advice 🥺