Watery Yellow green discharge

Hello po mga momshies tatanong ko lng po kung normal pa po ba itong ganitong discharge im 37weeks pregnant na po and nawala po yung madalas na pag galaw ni baby😢 sana po manotice. Salamt po sa sasagot.

Watery Yellow green discharge
20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nagkaron ako ng ganyan and di ko pinansin kasi wala namang amoy at di naman makati private part ko. Pero pag labas ni baby dami nya rashes. Pinag cbc sya n pedia nya, ang taas ng infection nya. Tinanong ako ng pedia nya kung nagkaron daw ba ko uti or any infection nung nagbubuntis ako, kasi dun daw nakuha ni baby yun. 7 days nag antibiotic si baby and thankfully okay na sya ngayon. Kung ako sayo wag mo ipagwalang bahala yan.

Đọc thêm
2y trước

Gaano po katagal yung discharge nyo na ganyan mamsh?

currently 36 weeks pregnant and nagkaganyan din ako pero di ganyan kadami pero may halong brown discharge. currently diagnosed with uti and mejo mataas ung antibiotics ko which is 1g. so better paconsult sa ob nyo po kasi it may be a sign of uti din. papaurinalysis po kayo nyan para if in case may infection eh marisetahan ka din ng antibiotic.

Đọc thêm

sakin nun ganyan din nung nagbubuntis ako sa 2nd baby ko. nagpaurine test muna ako bago nagpunta kay OB pero sabi ni OB naglalabor na daw ako @35 weeks kaya may gamutan hanggang makaabot ng 37 weeks at emergency cs na ako. buti pa mommy pacheck up ka nalang po para sa safety nyo ni baby.

Nagka ganyan dn po ako nung 10 weeks ako kasabay nang itchiness sa vagina ko. nagpa check up ako nag pa urine test na dn may Yeast infection ako then niresetahan ako nang Vaginal Suppository for 7 days. better pa check or let your OB know para know mopo ang gagawin mo momsh.

2y trước

Last day ko plang po nang pag susuppository, na late kasi reseta nang OB ko dhil sa holiday kaya d ako agad nakapag sup. Pero now wala nang pangangati, hnd na dn kasi ako gumagamit nang kahit ano, tubig lang talga ang pinang wawash ka, tapos malinis na cloth ang pampunas kada hugas, chka madalas dn ako magpalit nang underware.

Nag ganyan po ako pero 25 weeks po nag suppository po ako for a week mag infection po sabe OB which is normal daw po sa mga nagbbuntis pero mas ok kung wala and bumabalik daw pg sobra sa sweets.

sakin din po maraming nalabas na gnyan ..although nung nagpa lab test ako normal nman po lahat ..tsaka sobrang galaw po ng baby ko sa loob na parang nagsasayaw

Nakailang suppository na rin po kasi ako. Pabalik balik po tlga yung ganyan ko pong discharge nung una po white hanggang sa naging ganyan na po yung kulay.

Hindi po kasi ako sinasagot ng ob ko. Baka may irecommend po kayong private ob sa public hospital.

infection po ata yan. may uti ka ba or the likes? if in pain consult ur ob na po

ganyan din po saken daming nalabas na ganyan pero sobrang galaw naman po ng baby ko.