Nahuli ko asawa ko may chinat na babe 😭😭😭

24weeks ako ngayon mga kananay, out of the blue binuksan ko ang work chat ng asawa ko at sa di ko inaasahan chinat nya yung babaeng pinag awayan na namin dati pa. Ang hindi ko matanggap, sa nabasa ko sya pa ang unang nag message sa babae. Ldr kami ngayon at ang uwi nya sa November pa, sobra akong nasaktan kaya pagkasend ko ng SS sakanya ng convo nila nung babae, blinock ko sya sa lahat ng social med accounts ko kasi gusto ko ng peace of mind. Ngayon, nasstress ako sobra kasi panay ang iyak ko, naaawa ako sa batang dinadala ko kasi alam kong nararamdaman nya yung sama ng loob ko. Nag explain yung asawa ko at humingi ng sorry nag msg sya thru e-mail ko, Kaso mga kananay 2 beses na nangyayare to, at ang masakit iisang babae lang ang issue namin. Umiiyak ako ngayon habang tinatype tong pag oopen ko sainyo, Hindi ko maopen sa kapatid ko o sa magulang ko kasi ayokong masira image nya. At ang sabi nya sa e-mail nya saakin babawi daw sya samin ng anak nya pag balik nya ng pinas. Pasensya na po kayo, di ko po kasi maopen sa kahit kaninong kakilala ko, gusto ko din syang patawarin at hiwalayan na ng tuluyan na pag usapan nalang yung sa bata at wala naman problema kung gusto nya sustentuhan o ano man. Dito nalang ako nag labas ng sama ng loob ko dahil mabigat talaga sa pakiramdam. Kasal kami at unang anak namin tong dinadala ko. Ngayon lang din kami nag ka issue about sa babae, 7yrs na din kami. Walang bisyo ang asawa ko at tahimik din na tao. Hindi ko alam na kung kelan naman ako nag bubuntis tska naman sya gaging ganito. 😔😭

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

subukin mo muna sya kung talagang nagsisisi sya at hintayin mo kung babawi tlga sya. kasi LDR nga kayo, nadadala lang sya ng lungkot at pagkasabik sayo, ang mali lang nya sa iba nya hinanap. nadaya lang asawa mo ng demonyo para sirain ang pamilya mo. ayaw ng Dios ng mag-asawang naghihiwalay. kaya ang demonyo pilit sisirain ang pamilyang binubuo. pag sira na kayo at tuluyang nagkahiwalay eh di kayo ang talo pati mga bata kawawa. at ang nanalo sa inyo si Satanas. at ano kasunod? eh di wala na, kasi wala na syang sisirain sa inyo dahil naghiwalay na kayo, kaya hahanap naman ang demonyo ng ibang pamilya na paghihiwalayin nya, hahanap sya ng sisirain nyang pamilya at kadalasang target nyan eh yung mga LDR. subukan mo syang bigyan ng Chance, kahit alam natin mahirap ibigay yun trust na di nya na uulitin. tas ikaw mismo gumawa ng move para matigil sila. maging matapang ka para sa magiging anak mo wag mo hayaan dahil lang sa babaeng yun ibibigay mo naman ang ama ng anak mo sa iba. buti sana kung hindi ka nya mahal. eh di naman nya siguro mahal yun, nadala lang yun ng laman nya. kung baka nasasabik yun sa pagdo nyo, na di nya magawa sayo kaya nakahanap ng babaeng gagamitin ni Satanas para tuksuhin asawa mo maakit sa iba.

Đọc thêm

Try mo lang magbigay ng one last chance mii mag failed man atleast hindi ka masisisi kasi binigyan mo siya ng chance at ginawa mo ang lahat para umayos ang buhay mag asawa niyo. Para sa baby niyo. Hirap yung lalabas yung bata walang kikilalaning ama. One last chance pa mii nag effort naman para mareach out ka.. Pag di pa OK dun mo na hiwalayan.

Đọc thêm

uulitin lang din ulit yan. maniwala ka, mauubos ka kinabibigay mo ng chance. isang beses na lokohin ka hindi katanggap tangap 2x pa kaya

Lakasan mo loob mo. Wag ka na magbigay ng chance. Kaya mo yan.