Asking for my baby Yaya
Hi po mga moms, ask ko lang po pa ano ba sabihin sa Nag babantay sa baby ko po na mabaho ang Hininga nya na hindi na ooffend ? Kase po miska ako na aamoy ko everytime na nag sasalita sya, mabaho po talaga parang cr smell. Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero how? Baka ma offend ko po sya eh, pero yun lang sya po kase nag babantay sa baby ko, at kahit na nakikita ko namang nag totoothbrush sya may amoy padin po ? ako tuloy na sstress kc pag pinapatulog nya din po si baby kumakanta sya tapos nag huhuni sound kaya yung breath nya direct to my baby, pa help naman po mga sis ?
Momy same tayo kalagayan, buntis ako ngayon 6mos.at yung kasambahay ko sobrang baho ng hininga, 18yrs old plang naman sya kaya okblang pagsabihan kasi bata pa at dalaga.. nung umpisa plang kita ko na sa ngipin at gilagid nya na puno ng plaque na kahit magsepilyo sya di natatanggal yung baho .. as in super parang amoy tae talaga .. At first tinanong ko sya kung nakapagtry na ba sya magpalinis ng ngipin, sabi nya hindi pa daw .. tapos ayun nag open na sya sakin na nsa lahi daw nila yung nagtutuklap ang gilagid (gingivitis) at minsan mabaho hininga.. kaya inadvised ko sya na mag consult sa dentist .. eh at dahil nga wala syang gaanong pera ung sinasahod nya sakto lang din para sa mga kapatid nya .. Super na stress din ako araw araw, kaya ang ginawa ko nung mejo nakaluwagluwag ako ng oras sinamahan ko sya sa dentist ko, di lang pla ordinary cleaning ang kelangan gawin kundi peridontitis na yung procedure, ibig sabihin malala na yung mga bacteria sa ngipin nya na nakakapit, pumasok na pla hanggang sa buto ng ngipin .. ayun umokey naman.inexplain sa knya ng dentist ko yung sakit nya at sinabi din na kelangan ng oral heigyn lalo nat buntis ako at lalo na nakakahawa daw yun kapag sa baby kasi nga daw bacteria yun ..
Đọc thêmBaka may sira ngipin niya sis kaya ganun. Kapag sira kase ang ngipin dapat alaga sa toothbrush yun. Sabi mo naman nagtotoothbrush siya so baka may sira ngipin niya kaya may foul smell. Try to ask her or tell her nicely nalang.
Welcome sis. Sana mafeel niya na concern ka lang naman talaga sa kanya 😊 godbless 😇
tell her kindly po and sbhn nyu po sya na dalhn mo sya sa dentist. explain mo din sknea anu un mgng effect un kay baby kn my bad breath tska good thing nga din na sbhan nyu po sya kasi para din po yan sknea
pa check po dapat sa dentist, if may sira kasi ang ngipin nya tlagang mag cause yun ng bad breath and pa cleaning para tanggal mga tartar kung merun,
Kausapin mo na lang po ng maayos at pa check up mo na rin para makita kung ano talaga ung cause nung mabahong hininga niya.
baka me problema sa bituka. minsan kc ganun daw kapag di matangal ung baho s bunganga khit ng toothbrush na
Tell her po oara aware sya di niyo naman po siya maooffend dahil para sa health na din po nya yun
Regaluhan mo sis ng mga mouth wash ganern, tooth brush. Or offer her to visit dental check up.
Better talk to her ng maayos pu.. Sabhin mu n wag nya mamasamain ssbhin mu 😁
May mga ganyan talaga, sakit yan siya sa loob. Kausapin mo nalang po ng maayos.
with a beautiful baby girl