Gusto na po manganak.
Hi po mga mamsh, 35 weeks na po ako. As per my OB, full term na daw si baby at medyo mataas na timbang, 2.7kilo na. Pwede na po ba akong manganak? Ano ano po ba pwede ko gawin para manganak na, hirap na hirap na kasi ako, gusto ko na makaraos ? nakaposition naman na daw si baby at good candidate na daw po ako for normal delivery.
hi mommy! even if ok ang weight ni baby and healthy, 35 weeks pa din po sya so isipin nyo nalang po na mas. ok si baby inside your uterus than outside and wait po 2 weeks naman nalang po before 37 weeks. isipin nyo nalang po that pag ready na si baby lalabas po sya at his/her own time. puede po kasing term sya sa ultrasound but paglabas and pagasses ng pedia, kulang pa po sa weeks ung baby nyo and considered preterm. just walk regularly without overdoing it po. then most importantly always count movements po ng baby after meals. in one hour dapat po more than 10x movement. also a bps of 8/8 means ok po condition ni baby sa loob ng uterus so wala pong reason to deliver baby earlier than when actual na po kayo naglabor.
Đọc thêm37 weeks is early term. 38+ weeks ang full term. Preterm parin po ang 35 weeks kahit okay ang APGAR score at mabigat si baby. Hindi lang kasi bigat ang basehan, need mag matured ng lungs, digestive and other system ni baby to be considered full term. Actually, dapat ang i advice ng OB sayo is try to reduce your diet kasi mabigat na si baby baka mamaya lumaki ng lumaki si baby mahirapan ka manganak pwede ka ma ECS. And, hindi 100% accurate ang weight na binibigay ng ultrasound.
Đọc thêmHindi pa po yan full term 37 wekks po ang pwede na..thou,pwede na po sya kung by accident like nag prelabour ka., kaso importante parin ung mga ulang weeks na nasa tyan c baby mas hinog kumbaga sa bunga..saka khit anong gusto mo ng ilabas c baby,khit anong ganda na ng posisyon nya kung ayaw pa nya wala kau or ikaw magagawa.. wagka ka mag madali sis relax ka lang.. ganun tlga mas lumalapit sa finushline mas humihirap..pero worth it naman lahat yan..
Đọc thêmYes mga ma, papaabutin ko nga pong 37 weeks. 😊 Wala naman po sinabi sakin si OB na pwede na ko manganak. Sinabi lang po niya full term na based sa result, maganda na pwesto at candidate for normal delivery ako. At pinagdadiet din po ako. Ayun lang po sinabi niya. Gusto ko lang magstart na po ng mga dapat gawin para mag active labor pagka 37 weeks.
Đọc thêmThanks mga mamsh. Malaki na kasi si baby sa 2.7kg sa 35 weeks :( syempre madadagdagan pa po yan kasi kahit na magdiet ako, minimal lang naman mababawas ko sa kain dahil di naman pwede magutom talaga. Kaya ayun din isa kong worry, ayoko kasi palakihin si baby. Pero 2 weeks na lang naman, mag wait ako then saka ako magtagtag. Salamat po!!
Đọc thêmYou can do it. Just eat fruits and veggies when your hungry. Not sweets and carbs. Anyway, just the excess lang naman of your required weight per week ang napupunta kay baby. Meaning if you eat just right walang masama.
Kahit anong gawin mo induced Kung Hindi pa gusto Ni baby lumabas Wala Kang magagawa ..Ang tanging magagawa mo lng eh is mag lakad lakad ka sa umaga tag tagin mo sarili mo ..Kasi kahit sinong MGA doctor Hindi Alam Kong kailan dapat Ang labor mo kahit gusto mo pang manganak na kahit nga mismong 1 cm na inaabotan Po Ng isang linggo
Đọc thêm37weeks po ang consider na safe at full term.. na nganak ako ng 36weeks 2.3kls ang baby ko ecs nangyari.. try ng ob ko na paabutin ng 37weeks kaso talagang gusto ng lumabas ni baby kaya napa aga ako ng anak, tinurukan na lng ako ng lung booster.. early pa po ang 35weeks bk hnd pa kayanin ng lungs ng baby nyo..
Đọc thêmPara makatulong is exercise kailangan po na tulungan mo din si baby. Pero kahit na full term na siya, better na sakto sa buwan or medyo early pero wag ganyan ka early. Balance eating lang ang lakad lakad kase ganyan ako sa anak ko, tadtad sa exercise kaya di ako nahirapan manganak. 🙂
Ako mamsh 36 weeks na di ko pa pinipilit. Kasi 37 weeks talaga ang fullterm. Kaya ang plan ko is kalagitnaan ng 36weeks ako magtatagtag kasi matagal lumaki ang CM base sa mga nababasa ko.. siguro 3days before ako mag 37weeks maglalakad lakad na me. 😊
FTM din ako mamsh. Umaasa lang ako sa mga nababasa ko dito sa asian parents at page sa fb. Wala na din kasi akong mama na magguide sakin kaya sariling sikap sa pag aalaga sa sarili at the same time sa baby😅
Mas maganda mommy ifull term mo na wait mo na lang humilab tummy mo . mga kasama ko na nganak ng 35weeks pinalagay sa incubator hirap din kapag minamadali si baby . kasi kusa po talaga siya lalabas ako po kasi 40weeks and 3days pa bago lumabas baby ko .
LMP po ako momshie kahit 40weeks and 3days na incubator padin baby ko gawa ng bumababa temperature nya
First time Mom|Senior Programmer